^

PSN Palaro

Zamora binasag ang dalawang meet records ni Schooling 10 ginto hinakot ng PSL tankers

Beth Repizo-Meraña - Pilipino Star Ngayon

SINGAPORE – Katulad ng inaasahan, nagpa­ramdam agad ang mga lahok ng Philippine Swimming League (PSL) sa pag­sisimula ng Singa­pore Invitational Swimming Championship sa pag­ha­kot ng mga medalya at pagtatala ng dalawang bagong record kahapon sa Singapore Island Country Club (SICC) dito.

Si Sean Terence Zamora, itinanghal bilang Male Swimmer of the Year, ang nagtala ng bagong marka sa boys’ 14-15 100-meter butterfly event mula sa kanyang oras na isang minuto at 1.27 segundo.

Ang dating record ay ha­wak ni Incheon Asian Games at SEA Games multi-gold medalists na si Joseph Schooling ng host Singapore na 1:02.16 noong 2010.

“Talaga pong gusto kong burahin ang record. Ma­lalakas po ang mga nakalaban ko kaya talagang todo na sa final meters,” wika ni Zamora, estud­yante ng UST, na pinangu­nahan ang 10 gold, 11 silver at 6 bronze medals na nilangoy ng delegasyon sa unang araw ng torneo.

Unang giniba ni Zamora ang record ni Schooling sa 50m backstroke para sa silver performance sa naturang event.

One-three finish ang gi­nawa ng PSL sa nasabing event dahil ang bronze me­dal ay kinuha ni Paul Christian Cusing ng Diliman Preparatory School (1:05.22).

Ang pilak ay napunta kay Zhong Qing Ang ng Singapore (1:02.79).

Naghatid din ng ta­gum­pay ang mga manla­langoy tu­lad nina Micaela Jasmine Mojdeh at Charize Julian Es­mero na nanalo ng tig-da­lawang ginto.

Nagkampeon si Mojdeh, beterana ng Ocean All Stars Challenge, sa girls’ 8-9 100m butterfly (1:21.48) at sa 50m breast stroke (44.71), habang si Esmero ay nagwagi sa girls 12-13 200m freestyle (2:26.17) at sa 50m backstroke (34.40).

Ang PSA Milo Junior Athlete of the Year na si­na Kyla Soguilon, Martin Ja­cob Pupos, Stephen Guz­man, Nigel Timothy Ro­mey at Lee Grant Cab­ral ay nagwagi rin para sa produktibong kampanya ng bansa.

Tinawid ni Soguilon ang finish line sa girls’ 10-11 50m backstroke sa tiyem­pong  35.49; si Pupos ay na­nalo sa boys 16-17 200m freestyle (2:04.52); si Guzman ay naghari sa boys’ 10-11 50m backstroke (37-62); si Romey ang kumuha ng ginto sa  sa boys’ 12-13 50m backstroke (33.74); at si Cabral ang nanguna sa boys’ 8-9 100m butterfly (1:33.53).

“We are amazed and proud at the superior perfor­mance of our swimmers es­pecially Zamora who proved that he has a bright future in this sport,” wika ni PSL Secretary General Maria Susan Benasa.

Sina Mojdeh (200m  free­style), Esmero (100m but­terfly) at Guzman (100m butterfly) ay nanalo rin ng pilak kasama sina Marc Bryan Dula (boys 8-9- 200m freestyle, 50m backstroke at 100m butter­fly), Gianna Millen Data (girls’ 16-17 200m freestyle), Ja­son Mirabueno (boys’ 16-17 50m backstroke at Aubrey Tom (girls’ 8-9 100m but­terfly).

Ang mga tansong me­dalya ay galing kina Tom (50m backstroke), Ferdinand Ian Trinidad (boys’ 14-15 200m freestyle), Mark Daniel Marajucom (boys’ 50m backstroke), Karl Kervee Pastoril (boys’ 10-11 100m butterfly) at Pia Isabella Loy (girls’ 12-13 100m butterfly).

100M

50M

ACIRC

ANG

AUBREY TOM

BACKSTROKE

BOYS

CHARIZE JULIAN ES

DILIMAN PREPARATORY SCHOOL

SHY

ZAMORA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
23 hours ago
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with