^

PSN Palaro

Manila North pasok din sa knockout round Manila West kumamada

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Magkaiba man ang ru­tang tinahak ay pareho pa ring umabante ang Manila West at Manila North nang walang talo sa 2015 FIBA 3X3 World Tour Manila Mas­ters pool elimination ka­gabi sa Robinson’s Place Manila.

Nakitang muli ang ga­ling nina Terrence Romeo, Niño ‘KG’ Canaleta, Rey Guevarra at Aldrech Ramos para sa Manila West nang talunin nila ang Auckland New Zealand, 21-18, at ang Manila South, 21-14, sa Pool D.

Nanguna rin ang Ma­ni­la North nina Vic Manuel, Calvin Abueva, Karl Dehe­sa at Troy Rosario sa Pool B.

Sinandalan ng kopo­nan ang pulso ni Manuel sa free throw line para maitakas ang 20-18 tagumpay sa Beirut Lebanon bago ki­napitan ang tip-in ni Rosario upang makumpleto ang come-from-behind 17-16 win sa dating world champion na Ljublijana Slovenia.

Walong koponan mula sa 12 kasali ang umabante sa knockout round na gagawin ngayong hapon para madetermina ang magiging kampeon sa yugto.

Lalabanan ng Manila North ang Kobe Japan na pumangalawa sa Pool C sa alas-2:45 ng hapon, ha­bang sasagupain ng Ma­nila West ang Longshi China na second placer sa Pool A.

Sakaling manalo ang Ma­nila West at ang Manila North ay makakatiyak na isa sa ka­nila ang papasok sa Finals at maglalaro sa World Tour Finals sa Abu Dahbi na nakatakda sa Oktubre 15 at 16.

Ang Finals ay gagawin sa alas-5:30 ng hapon.

ABU DAHBI

ACIRC

ALDRECH RAMOS

ANG

ANG FINALS

AUCKLAND NEW ZEALAND

BEIRUT LEBANON

MANILA

MANILA NORTH

MANILA WEST

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with