^

PSN Palaro

Paras hindi pinayagang sumabak sa FIBA 3x3 World Tour Manila Masters

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bagama’t gusto niyang katawanin ang Pilipinas sa 2015 FIBA 3x3 World Tour Manila Masters ay hindi pi­nayagan si Kobe Paras ng kanyang American coach.

Ito ang ibinalita ni Benjie Paras, ang ama ni Kobe.

“Unfortunately, accor­ding to Kobe’s dad, ‘yung coach ni Kobe sa States would rather have him attend the Adidas training camp,” sabi kahapon ni Sa­mahang Basketbol ng Pi­lipinas (SBP) executive director Sonny Barrios.

“Wala tayong magagawa doon at baka iba pa ang mangyari kay Kobe,” dag­dag nito.

Nakatakda ang 2015 FIBA 3x3 World Tour Manila Masters sa Agosto 1 at 2 sa Robinsons’ Place sa Ermita kung saan kabuuang 11 ban­sa ang kalahok.

Tatlong koponan ang isa­salang ng SBP para ma­palakas ang tsansang mu­ling pagharian ang torneo matapos magkampeon ang Manila West team ni­na Terrence Romeo, Rey Guevarra, Niño Canaleta at Aldrech Ramos noong na­karaang taon.

Hangad sana ng SBP na isama ang 6-foot-7 na si Paras, ang two-time slam dunk champion ng FIBA 3x3 Under-18 World Championship, sa Manila North squad.

Nakatakdang maglaro si Paras para sa University of California Los Angeles (UCLA) Bruins, isang US NCAA Division I school.

Ang Manila North ay mag­tatampok kina Calvin Abueva at Vic Manuel ng Alas­ka, Karl Dehesa ng Kia at National University Bulldogs superstar Troy Rosario.

Ang Manila South naman ay binubuo nina Lucky Ecarma, Jair Igna, Carlo Ortega at Joshua Sinclair na nagkampeon sa torneo ng SBP.

Ang tatlong koponan ay nasa pamamahala ni head coach Eric Altamirano, gumiya sa National University Bulldogs sa kampeonato ng nakaraang UAAP season.

ACIRC

ALDRECH RAMOS

ANG

ANG MANILA NORTH

ANG MANILA SOUTH

BENJIE PARAS

CALVIN ABUEVA

KOBE

NATIONAL UNIVERSITY BULLDOGS

SHY

WORLD TOUR MANILA MASTERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with