^

PSN Palaro

Walang personalan

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Frustrated daw si Freddie Roach sa kinalabasan ng sparring session ni Manny Pacquiao nung Sabado sa Wild Card Gym.

Ewan ko kung ano ang nakita niya sa loob ng ring.

O kung ano ang hindi niya nakita.

Ang malinaw lang ay hindi umuwi si Freddie nung Sabado na masaya mula sa sparring.

Ang sabi ng mga naroon, hindi nasunod ni Pacquiao at sinuman ang kanyang ka-sparring, ang utos ni coach.

May hinahanap yata siyang spacing o ang espasyo na gusto niyang kunin ni Pacquiao laban kay Floyd Mayweather.

Matinik si Floyd at sa pinaka-maliit na pagkakamali mo ay siguradong tatamaan ka.

‘Yun ang kagalingan ni Floyd--magaling dumepensa sa umaatakeng kalaban. Pero sa isang iglap, sa isa mong pagkakamali, boom!

Iba naman si Manny--mabilis at malakas.

Kaya lang, kadalasan ay nagiging reckless din. Kumbaga sa driver, kaskasero.

‘Yan siguro ang ayaw mangyari ni coach Freddie. Kaya nga meron siyang na-design na game plan na sila lang ang nakakaalam.

Babalik sa sparring si Pacquiao ngayong araw na ito. Tingnan natin kung may pagbabago sa ikikilos ni Pacquiao. Baka magpasiklab sa sparring. Maka-knockout sana.

Tumaas nga raw ang boses ni coach sa loob ng gym habang nasa sparring si Pacquiao.

Ipinaliwanag naman niya na “frustrated” lang siya at hindi nangangahulugan na wala siyang respeto sa kanyang boksingero.

Mukhang bale wala naman kay Pacquiao ang nang­yari dahil lumabas siya sa gym na nakangiti at kumakaway sa kanyang mga fans

Kay Pacquiao, ito’y trabaho lang.

Walang personalan.

vuukle comment

ANG

FLOYD

FLOYD MAYWEATHER

FREDDIE

FREDDIE ROACH

KAY PACQUIAO

KAYA

PACQUIAO

SABADO

WILD CARD GYM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with