Tornadoes ‘di umubra sa Lady Blaze Spikers
Laro sa Linggo
2:30 p.m. Philips Gold
vs Shopinas
4:30 p.m. Mane ‘N Tail
vs Cignal
MANILA, Philippines - Sumulong sa 2-0 karta ang Petron Lady Blaze Spikers nang kalusin ang Foton Tornadoes, 25-18, 26-24, 20-25, 25-19, sa 2015 Philippine SuperLiga (PSL) All-Filipino Conference kahapon sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.
Si Dindin Santiago-Manabat ay nagpakawala ng 23 puntos, kasama ang 20 kills, habang si Rachel Ann Daquis ay nagpasok pa ng 11 puntos.
Ang kanyang liderato ang nakatulong para maisantabi ang matinding hamon ng Foton na nalaglag sa unang pagkatalo matapos ang dalawang laro.
“Siya ang nagbigay ng energy sa team at mabuti na na-rub off ito sa kanyang mga teammates,” ani Petron coach George Pascua.
Si Daquis ay hindi nakasama ng koponan sa unang laban sa Philips Gold na kanilang naipanalo rin.
May 14 puntos pa si Frances Mollina habang 10 naman ang naidagdag ni Aby Maraño para magsolo sa unahan ang Petron sa ligang inorganisa ng SportsCore katuwang ang Asics, Mikasa, Senoh, Mueller Sports Medicine,Via Mare, LGR at Healthway Medical.(AT)
- Latest