Beristain: Pacquiao may panalo kay Mayweather
MANILA, Philippines – Mas pinili ni legendary Mexican trainer Nacho Beristain si Manny Pacquiao na manalo kay Floyd Mayweather Jr. sa Mayo 2 sa MGM Grand.
Kilalang-kilala na ni Beristain si Pacquiao matapos labanan ang kanyang alagang si Juan Manuel Marquez ng apat na beses at isang beses naman si Oscar dela Hoya.
Noong 2012, umiskor si Marquez ng knockout win kay Pacquiao na hindi makakalimutan sa boxing history.
Ngunit sinabi ni Beristain sa Boxingscene.com na walang epekto kay Pacquiao ang nasabing kabiguan kay Marquez sa pagharap nito kay Mayweather.
“Not likely,” wika ni Beristain na inaasahang aabot sa 12 rounds ang upakan nina Pacquiao at Mayweather.
Ang 36-anyos na si Pacquiao, ayon pa sa trainer, ay may “mentality of a natural winner.”
Si Mayweather naman ay may defensive skills na wala sa ibang boksingero, ngunit ito minsan ang nagpapaantok sa mga boxing fans, dagdag ni Beristain.
“I think Floyd Mayweather will win. But my heart is with Manny Pacquiao. Manny is a spectacular fighter who people pay to watch with delight,” wika ng trainer.
“Floyd is truly excellent. But his style is defensive, which isn’t attractive to many people. Manny’s strategy must be pure, concentrated pressure,” pahayag pa ng batikang trainer.
Idinagdag pa ni Beristain na dapat ibalik ni Pacquiao ang dati niyang porma para talunin si Mayweather.
May payo rin siya para sa American fighter.
“Floyd must entice Manny to come into range of his very effective counter punching,” ani Beristain.
“Manny must fight like a wildcat,” dagdag nito.
- Latest