Chism inilapit ang Painters sa bonus
Laro Ngayon
(Lucena City)
5 p.m. Ginebra
vs Globalport
MANILA, Philippines - Kasabay ng pag-angkin sa kanilang ikalawang sunod na panalo ay pinalakas ng Rain or Shine ang kanilang tsansa sa isa sa dalawang ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinal round.
Ito’y matapos talunin ng Elasto Painters ang sibak nang Blackwater Elite, 102-98, sa 2015 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Ang panalo ng Rain or Shine ang nagtabla sa kanila sa nagdedepensang Purefoods at Talk ‘N Text para sa liderato.
“We still don’t have total control of our destiny. We still have to win on Sunday (against Kia),” sabi ni head coach Yeng Guiao sa hangarin nilang makamit ang alinman sa No. 1 at No. 2 berth para masikwat ang ‘twice-to-beat’ bonus sa quarterfinals.
Kinuha ng Elite ang 20-18 abante sa first period bago lumamang ng walo, 28-20, mula sa basket ni Jerrick Canada.
Sa pangunguna ni import Wayne Chism, tumapos na may 30 points, 13 rebounds at 4 assists, kumamada ang Elasto Painters sa sumunod na yugto para ilista ang 49-41 kalamangan sa pagbungad ng third quarter.
Saglit na nakadikit ang Blackwater, nalasap ang kanilang ikalawang dikit na kamalasan, sa 53-56 kasunod ang pinakawalang 14-2 atake ng Rain or Shine upang iposte ang 15-point lead, 70-55, sa huling 3:48 minuto nito.
Ang three-point shot ni Jonathan Uyloan ang nagbigay sa Elasto Painters ng komportableng 98-84 abante sa huling 4:27 minuto ng final canto.
Pinangunahan ni naturalized center Marcus Douthit ang Elite sa kanyang 34 points, 19 boards at 8 assists.
Rain or Shine 102 - Chism 30, Lee 14, Belga 11, Tiu 10, Norwood 8, Tang 6, Quiñahan 5, Cruz Jericho 4, Almazan 4, Uyloan 3, Ibañes 2, Araña 2, Cruz Jervy 2, Chan 1, Teng 0.
Blackwater 98 - Douthit 34, Acuna 20, Heruela 15, Gamalinda 11, Reyes 6, Faundo 4, Canada 2, Rodriguez 2, Celiz 2, Bulawan 2, Erram 0, Ballesteros 0, Laure 0.
Quarterscores: 18-20; 46-41; 78-65; 102-98.
- Latest