^

PSN Palaro

Tropang Texters kinapos sa Hotshots sa 3-OT sa Davao

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

(Cuneta Astrodome)

3 p.m. NLEX vs Globalport

5:15 p.m. Rain or Shine vs Ginebra

MANILA, Philippines – Sa larong tila hindi ma­tapus-tapos, pumagitna si import Denzel Bowles para ipanalo ang Hotshots.

Isinalpak ni Bowles ang kanyang off balance na one-hander sa natitirang 7.1 segundo para itakas ang nagdedepensang Purefoods laban sa Talk ‘N Text sa triple overtime, 118-117, sa 2015 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa USEP Gym sa Davao City.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Hotshots para makasalo sa ikala­wang puwesto ang Tropang Texters, nabigong makamit ang kanilang pangalawang dikit na arangkada.

Matapos isalpak ni Jay Washington ang kanyag ikalawang three-point shot sa pangatlong extra period sa huling 14.3 segundo na nagbigay sa Talk ‘N Text ng kalamangan, 117-116, tinanggap naman ni Bowles ang bola at ikinonekta ang kanyang jumper sa nalalabing 7.1 segundo.

Si Bowles ang nagdala sa Purefoods sa ikalawang extension nang tumikada ng basket para tumabla sa Talk “N Text, 1013-103.

Nauna nang iginiya ni Mark Barroca ang Hotshots sa unang overtime sa 91-91.

Samantala, dinala ng Alaska si veteran forward Gabby Espinas sa Globalport para makuha si 2010 No. 1 overall pick Nonoy Baclao.

Nanggaling ang 33-anyos at 6-foot-4 na si Espinas sa isang foot surgery noong nakaraang taon kung kaya hindi siya nakapaglaro sa kabuuan ng 2015 PBA Philippine Cup.

Nakita naman ang 27-anyos at 6’6 na si Bac­lao sa apat na laro ng Batang Pier.

Ang Alaska ang magi­ging pang-limang PBA team ni Baclao, dating Ateneo Blue Eagles, ma­tapos ang Air21, Petron Blaze/San Miguel Beer, Talk ‘N Text at Globalport.

Nagposte si Bowles ng 28 points para pangunahan ang Purefoods.

Maghaharap naman ngayong alas-5:15 ng hapon ang Barangay Ginebra at ang Rain or Shine matapos ang salpukan ng NLEX at Globalport sa alas-3 sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Target ng Road Warriors ang kanilang pang-apat na sunod na panalo sa pagharap sa Batang Pier.

Purefoods 118 - Bowles 30, Mallari 17, Yap 15, De­vance 14, Barroca 13, Simon 10, Maliksi 9, Pingris 7, Reavis 3, Taha 0, Melton 0, Pennisi 0.

Talk ‘N TextT 117 - Johnson 26, Castro 24, Rosser 20, Washington 19, De Ocampo 12, Fonacier 6, Alas 6, Carey 2, Seigle 2, Aban 0, Miller 0.

Quarterscores: 22-18, 46-43, 66-70, 91-91, 103-103, 107-107, 118-117.

vuukle comment

ANG ALASKA

ATENEO BLUE EAGLES

BARANGAY GINEBRA

BATANG PIER

CUNETA ASTRODOME

DAVAO CITY

GLOBALPORT

N TEXT

PUREFOODS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with