^

PSN Palaro

Mavericks pinasiklaban James umukit ng record sa panalo ng Cavs

Pilipino Star Ngayon

DALLAS – Maski na wala ang kanyang trademark na headband, umiskor pa rin si LeBron James ng 27 points at sinolo ang career assists record ng Cavaliers matapos igiya ang Cleveland sa 127-94 panalo sa Dallas Mavericks.

Si James ay isa sa apat na players na may higit sa 20 points para sa Central Division-leading Cavaliers, naipanalo ang 12 sa kanilang huling 13 games kontra sa kanilang mga Western Conference opponents kasabay ng pagbasag sa 14-game losing streak nila sa Texas.

Umiskor si Kyrie Irving ng 22 points, habang humakot si Kevin Love ng 21 points at 14 rebounds.

Nagdagdag si J.R. Smith ng 21 points kasunod ang 17 ni Timofey Mozgov.

Pinamunuan naman ni Chandler Parsons ang Dallas sa kanyang 18 points, samantalang may 17 si Monta Ellis kasunod ang 15 ni Amare Stoudemire.

Si Dirk Nowitzki ay may 13 points sa kanyang 3-of-10 shooting.

Unang inalis ni James ang kanyang headband sa second quarter sa home game ng Cavaliers noong Sabado at hindi na ito isinuot kontra sa Phoenix Suns at sinabing, “It just happened.”

Habang walang suot na headband si James kontra sa Mavericks, nakilala pa rin ang No. 23 player dahil sa kanyang laro.

Tumapos si James na may 10-of-14 shooting bukod pa ang 7 rebounds at 8 assists.

Binuksan ng Dallas ang second quarter bitbit ang 31-26 lead, ngunit tumipa si James ng magkasunod na 3-pointers at inangkin ang assist record ng Cavaliers sa kanyang pasa kay James Jones para sa 3-pointer nito na nagtabla sa laro sa 35-35.

Ang 4,207th assists ni James sa Cleveland uniform ang sumira sa dating franchise record ni Mark Price.

Sa Los Angeles, pinamunuan ni Jordan Hill ang pitong Lakers na may double figures sa kanyang 16 points para sa 93-85 panalo ng home team  laban sa Detroit Pistons at tapusin ang kanilang five-game losing streak.

Tinalo ng Lakers (17-46) ang Pistons sa pang-11 pagkakataon sa 12 beses nilang pagkikita.

vuukle comment

AMARE STOUDEMIRE

CENTRAL DIVISION

CHANDLER PARSONS

DALLAS MAVERICKS

DETROIT PISTONS

JAMES

JAMES JONES

JORDAN HILL

KANYANG

POINTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with