^

PSN Palaro

Palaro venue pasado sa technical inspection

Pilipino Star Ngayon

TAGUM City, Philippines – Anu­mang araw ay handa nang pamahalaan ng Davao del Norte ang 2015 Palarong Pambansa.

Ito ay matapos maka­pasa ang organizers sa technical inspection na ginawa noong Lunes para sa taunang sports event para sa mga elementary at high school student/athletes.

Nakatakda ang 2015 Palarong Pambansa sa Mayo 3-9 at ang lahat ng playing venues, billeting areas, local transportation, medical at security concerns ay pasado sa mga nag-inspeksyon.

“Davao del Norte is 98 percent ready,” sabi ni Cesar Abalon, ang Schools Sports Events and Activities Unit Head ng Department of Education (DepEd).

Ang isinagawang technical conference ay dina­luhan ng 23 tournament managers mula sa iba’t ibang national sports associations.

“There is something unique in every host. But with DavNor, it is the playing facilities, the billeting (both very good preparation) and the warmth of the people of Davao del Norte and the all-out support of the Governor (Rodolfo del Rosario) with his drive to make this the best Palaro ever,” dagdag pa ni Abalon.

Ito ay dinaluhan din ng mga kinatawan ng DepEd, ang 10 ay mula sa main office bukod pa sa limang regional heads, national sports associations (23 tournament managers) at 17 regions (34 representatives) kasama ang DavNor organizers na pinangu­ngunahan ni del Rosario.

ABALON

ANU

CESAR ABALON

DAVAO

DEPARTMENT OF EDUCATION

NORTE

PALARONG PAMBANSA

SCHOOLS SPORTS EVENTS AND ACTIVITIES UNIT HEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with