Sacred Heart naghari sa NBTC
MANILA, Philippines – Gamit ang kanilang fullcourt-pressing defense, ginitla ng Sacred Heart-Ateneo de Cebu ang six-peat NCAA champion San Beda, 82-78, para angkinin ang titulo ng 2015 Seaoil-NBTC National High School Championship kahapon sa Meralco gym.
Ito ang ikatlong NBTC crown ng Magis Eagles, naghari sa CESAFI tournament sa Cebu, matapos noong 2011 at 2012.
Unang sinibak ng Sacred Heart-Ateneo de Cebu ang 2014 champion Chiang Kai Shek College sa semifinals bago labanan ang Red Cubs sa finals sa torneong suportado ng MVP Sports Foundation at nagsisilbing official grassroots development program ng Samahang Basketbol ng Pilipinas.
Sacred Heart-Ateneo de Cebu 82 – Jaboneta 27, Sinclair 15, Huang 14, Longa 7, Araw-Araw 5, Mayol 4, Colonia 4, Nacua 4, Co 2, Mantua 0.
San Beda 78 – Caracut 17, Decapia 17, Abatayo 12, Diputado 11, Faraque 8, Bordeos 8, Framil 3, Abuhijleh 2, Geralao 0, Apolito 0.
Quarterscores: 18-21; 38-42; 51-59; 82-78.
- Latest