Pacman kayang talunin si Floyd - Tyson
MANILA, Philippines - Mula nang pormal na ihayag ang super fight nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr. ay marami na ang nagbigay ng kanilang mga opinyon kaugnay dito.
Ilan dito ay sina dating world heavyweight champions Mike Tyson at Lennox Lewis at middleweight titlist Oscar De La Hoya ng Golden Boy Promotions.
Sinabi ni Tyson na tatalunin ni Pacquiao si Mayweather kung patuloy na iiwas na makipagsabayan ang American fighter sa kanilang laban sa Mayo 2 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
“Floyd got to fight in the first couple of rounds. He has to fight. If he’s not going to score, he is going to lose the round. Also, if he is laid back, he is going to lose the round,” sabi ni Tyson sa kanyang video na ipinoste sa Facebook ng Sweet Science.
Kinampihan naman ni De La Hoya si Pacquiao laban kay Mayweather.
Sinabi ni De La Hoya, pinagretiro ni Pacquiao noong 2008, na dapat paulanan ng Filipino world eight-division champion ng mga suntok ang American world five-division titlist na si Mayweather.
Naniniwala si Lewis na kayang talunin ng 38-anyos na si Mayweather ang 36-anyos na si Pacquiao.
- Latest