Cavs ibinangon ni James
CLEVELAND – Kumamada si LeBron James ng 27 points para umakyat sa ika-21 puwesto sa NBA’s career list at pangunahan ang Cavaliers sa 110-79 panalo kontra sa Boston Celtics.
Nilampasan ni James, may 24,508 career points ngayon, si dating Miami Heat teammate Ray Allen sa pamamagitan ng layup sa third quarter.
Nauna nang napaulat na planong kunin ng Cavaliers at iba pang koponan si Allen na hindi naglaro ngayong season.
Nang tanungin kung ang pag-ungos kay Allen sa NBA career list ang pupuwersa rito para magbalik, tumawa si James at sinabing, “He’ll make one 3 and then retire? I’m going to call him. I don’t know. It’s pretty cool.’’
Ipinahinga si James sa 4:41 minuto sa third period at hindi na ibinalik pa sa laro.
Kumolekta si James ng 106 points sa kanyang huling tatlong laro.
Tumipa siya ng 37 points sa kanilang kabiguan sa Houston Rockets.
Umiskor naman si Kyrie Irving ng 18 points sa kanyang pagbabalik matapos ang shoulder injury, habang nagtala si Kevin Love ng 12 points.
Ito ang ika-19 panalo ng Cavaliers sa 23 laro.
Sumusunod ang Cavaliers sa second place Toronto Raptors sa Eastern Conference.
- Latest