^

PSN Palaro

4 na ginto nakalatag ngayon sa APTIC tourney

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Gintong medalya sa apat na weight divisions ang nakataya sa pagsisimula ng 1st  Asia-Pacific Taekwondo Invitational Championships ngayon sa SM Mall sa Iloilo City.

Mga timbang sa men’s -58kg at -68kg at sa women’s -49kg at -57kg ang mga magsasagupa sa una sa dalawang araw na kompetisyon na nilahukan ng siyam na bansa.

Ang Korea na kung saan isinilang ang taekwondo ay magpapasok ng tatlong koponan na Dankook, An San at Suingshin.

Ang iba pang bisitang bansa na kasali ay ang US, Guam, Japan, Mongolia at Vietnam.

Sasandalan para sa unang mga medalya ng host country ay sina Jenar Torillos (-58kg) at Eddtone Bobb Lumasac (-68kg) sa kalalakihan at sina Levita Ronna Ilao (-49kg) at Daren Mae Ampon (-57kg) sa kababaihan.

Mangunguna sa delegasyong panlaban ng Philippine Taekwondo Association (PTA) sa kompetisyong may basbas ng World Taekwondo Federation (WTF) at suporta ng Philippine Sports Commission, SMART, SM at MILO, sina ASEAN Univesity Games gold meda­lists Francis Aaron Agojo, Benjamin Keith Sembrano at Samuel Morrison, ang mga Incheon Asian Games bronze medalist na sina Mary Anjelay Pelaez at 10th World Junior Taekwondo Championships silver medalist Irene Therese Bermejo.

Ang iba pang kasapi ay sina Paul Romero, Christian Al dela Cruz, Paul Ivan Colico, Lorenz Chavez, Kristopher Robert Uy, Wasber Rasad, Enrique Edgardo Mora, Aris Capispissan, Camille Bonje, Kirstie Elaine Alora, Pauline Louie Lopez, Clouie Bolinas, Gabrielle Yuchingtat, Meryll Mercado at Bea Muriel Go.

AN SAN

ANG KOREA

ARIS CAPISPISSAN

ASIA-PACIFIC TAEKWONDO INVITATIONAL CHAMPIONSHIPS

BEA MURIEL GO

BENJAMIN KEITH SEMBRANO

CAMILLE BONJE

CHRISTIAN AL

CLOUIE BOLINAS

DAREN MAE AMPON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with