Special belt para sa Pacquiao-Mayweather fight
MANILA, Philippines - Ang espesyal na laban tulad ng Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. ay dapat magkaroon ng espesyal na belt na pinaglalabanan.
Ito ang gagawin ng World Boxing Council (WBC) na kung saan si Mayweather ang kanilang kampeon sa welterweight.
“For this special recognition, I would like to have emeralds or platinum, but everything will be defined during the next weeks. This is because of the magnitude of the event, which will be broadcast via TV networks globally,” ani WBC president Mauricio Sulaiman sa WBC website.
Kinilala pa ni Sulaiman na ang Pacquiao-Mayweather fight sa Mayo 2 ay isa sa pinakamahalagang boxing event sa kasaysayan ng sports lalo pa’t ang dalawang magkikita ay parehong tinitingala sa kapanahunang ito.
“It came in a good moment and it will be an emotive event. Both are obviously putting their legacy at stake, to prove who’s the best, satisfying an enormous created expectance. There are also competing to be considered one of the best 10 fighters in the entire boxing history,” dagdag nito.
Kasabay nito ay ang nararamdamang kalungkutan dahil sa napakamahal na tiket para mapanood ng live ang laban sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.
Mabuti na lamang at ang mega-fight na ito ay maipapalabas sa telebisyon .
“It is a big shame that tickets are staying with wealthy people. However, boxing fans will have the opportunity to watch the fight via TV. Economic interests are involved with resulting high prices,” pahabol pa ni Sulaiman.
- Latest