^

PSN Palaro

Heat hiniya ang 76ers, kumapit pa sa No. 7

Pilipino Star Ngayon

MIAMI – Humugot si Luol Deng ng 11 of 14 shots at umiskor ng 29 points, habang nagtala si Goran Dragic ng 23 points at 10 assists para tulungan ang Heat sa pagtatala ng season high sa scoring sa kanilang 119-108 panalo sa Philadelphia 76ers.

Nagdagdag si Dwyane Wade ng 18 para sa Heat, nanatili sa No. 7 spot sa Eastern Conference, at kumolekta si Hassan Whiteside ng 12 points at 14 rebounds.

Tumipa naman si Hollis Thompson ng 22 points sa panig ng Philadelphia, nakahugot ng 18 kay Nerlens Noel, 16 kay Robert Covington, 12 kay Henry Sims at 11 kay Isaiah Canaan.

Bago ang laro ay sinabi ni Heat coach Erik Spoelstra na makakauwi na si Chris Bosh, may blood clots sa kanyang baga, matapos maospital noong nakaraang linggo.

Angat ang Philadelphia sa 67-61 sa third period hanggang magtuwang sina Dragic at Deng ng pinagsamang 20 points para ibigay sa Miami ang kalamangan pagpasok ng fourth quarter.

Sa Houston, nagposte si James Harden ng triple-double sa kanyang 31 points, 11 rebounds at 10 assists para ihatid ang Rockets sa 113-102 panalo kontra sa Minnesota Timberwolves.

Sa Denver, pinangunahan ni Brook Lopez ang pito pang Nets players sa double figures sa kanyang 19 point para tulungan ang Brooklyn Nets sa 110-82 panalo sa Nuggets.

BROOK LOPEZ

BROOKLYN NETS

CHRIS BOSH

DRAGIC

DWYANE WADE

EASTERN CONFERENCE

ERIK SPOELSTRA

HASSAN WHITESIDE

HENRY SIMS

HOLLIS THOMPSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
9 hours ago
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with