Pacquiao kailangang lumabas ang bilis para manalo – Diaz
MANILA, Philippines – Bilis ang magiging susi ni Manny Pacquiao para manalo kay Floyd Mayweather Jr. ayon sa dating nakalaban na si David Diaz.
Mismong si Diaz na dating WBC lightweight champion ang nakakita sa bilis ni Pacman at naramdaman ang lakas ng kanyang mga suntok nang tinalo siya nito noong Hunyo 28, 2008 sa ninth round.
Idinagdag pa ni Diaz na bagamat walang talo si Mayweather matapos ang 47 laban ay marami sa kanyang mga tinalo ay mababagal na katunggali.
Tinuran pa ni Diaz na nakita rin sa mga dating laban ni Mayweather na hirap siya kapag ang kalaban ay isang kaliwete at si Pacman ay hindi isang ordinaryong kaliweteng boksingero dahil nagtataglay siya ng mabibigat na kamao.
“Pacquiao’s speed and aggressiveness will be a deciding factor,” wika ni Diaz sa panayam ng Philboxing.
- Latest