^

PSN Palaro

Passuello, Pooley kampeon sa Yellow Cab Challenge PH

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbunga ang pagsali sa  unang pagkakataon ni Italian Domenico Passuello nang samahan ang nagbabalik na si Emma Pooley ng Great Britain bilang mga kampeon sa Yellow Cab Challenge Philippine Subic-Bataan noong Sabado.

Ang karera ay inila­gay sa mahabang 1.9k swim, 90k bike at 21k run at napahirapan ang mga kalahok bunga ng mainit na klima na sinasabayan ng paminsan-minsan ay malakas na hangin.

Ngunit naalpasan ito ni Passuello para lumabas bilang hari sa Pro Men sa 4:04:22 oras.

Hindi nagpahuli si Pooley na hinigitan ang pa­ngatlong puwesto na pagtatapos noong nakaraang taon sa 4:41:51 oras.

Sulit ang paghihirap nina Passuello at Pooley dahil 5,000 euros (halos P250,000.00) ang prem­yong kanilang napanalunan.

Ang Danish na si Rasmus Petraeus na two-time Challene Phuket champion, ang pumangalawa sa 4:09:04 at ininda niya ang mahinang ipinakita sa bike para masayang ang kalamangan na naiposte sa swim.

Nasa ikatlong puwesto si Mitch Robbins ng Australia sa 4:13:11.

Ang Amerikanang si Kelly Williamson ang pumangalawa sa kababaihan sa 4:52:14 habang ang kababayan ni Pooley na si Parys Edwards ang pumangatlo sa 4:53:19 tiyempo.

 

vuukle comment

ANG AMERIKANANG

ANG DANISH

CHALLENE PHUKET

EMMA POOLEY

GREAT BRITAIN

ITALIAN DOMENICO PASSUELLO

KELLY WILLIAMSON

MITCH ROBBINS

POOLEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with