^

PSN Palaro

San Miguel palalakasin ang kampanya vs NLEX

RCadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinimulan nila ang komperensya sa apat na sunod na kabiguan.

Sa isang single round robin elimination ay hindi na ito dapat maulit para sa mga Beermen.

Hangad ang kanilang ikalawang sunod na panalo at buhayin ang kanilang tsansa sa playoffs, lalabanan ng San Miguel ang NLEX ngayong alas-4:15 ng hapon sa 2015 PBA Commissioner’s Cup sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Sa ikalawang laro sa alas-7 gabi ay magtatagpo naman ang Barako Bull at ang Alaska.

Tinapos ng Beermen, nagkampeon sa nakaraang PBA Philippine Cup, ang kanilang apat na sunod na kamalasan matapos kunin ang 102-86 panalo laban sa Meralco Bolts noong nakarang Sabado sa Cagayan De Oro.

Sinamantala ng San Miguel ang pagbagsak ni Meralco import Josh Smith  sa second period.

Humakot si 6-foot-10 June Mar Fajardo, nagpabagsak kay Davis, ng 21 points at 22 rebounds, habang kumolekta si balik-import Arizona Reid, dating naglaro para sa Rain or Shine, ng 29 markers, 12 boards at 3 assists.

Magpipilit namang ma­kabangon ang NLEX mula sa masaklap na 96-98 kabiguan sa Talk ‘N Text kung saan sila nakabalik buhat sa 29-point deficit sa second period para itabla ang laro sa 96-96 sa huling 8.8 segundo.

Ang 20-foot jumper ni guard Jayson Castro kasu­nod ang final buzzer ang nagtakas sa Texters kontra sa Road Warriors.

Sa ikalawang laro, mag-uunahan namang makabalik sa porma ang Energy at ang Aces makaraang makalasap ng magkahiwalay na pagkatalo.

 

vuukle comment

ARIZONA REID

BARAKO BULL

BEERMEN

CAGAYAN DE ORO

CUNETA ASTRODOME

JAYSON CASTRO

JOSH SMITH

JUNE MAR FAJARDO

SAN MIGUEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with