Globe-Head Philippines nagsanib-puwersa para sa Jr. Tennis Satellite Circuit
MANILA, Philippines – Sa paniniwalang mas makakatulong sa pagdiskubre ng mga potensyal na national tennis players, nakipagtambal ang Globe Telecom sa HEAD Philippines para sa pagdaraos ng 17th Head Graphene XT Junior Tennis Satellite Circuit.
Palalakasin ng Globe, ang nangungunang telecommunication company sa bansa, ang premiere tennis tournament ng HEAD Philippines para sa mga batang tennis players na nakatakda sa Marso 10 hanggang Hunyo 7.
Ito ay idaraos sa kabuuang 17 lungsod sa buong bansa.
“At HEAD Philippines, we believe that we are moldings a lot of young and talented individuals who are just waiting for their chance to be the next Filipino tennis superstar as they gain points and win in local and international tournaments,” wika naman ni Liza Tang-Yuquico, ang Managing Director ng HEAD Philippines.
Paglalabanan sa junior tennis satellite circuit ang singles at doubles events para sa 10-years-old-and under (unisex), 12-and-under (boys), 14-and-under (boys), 16-and-under (boys), 18-and-under (boys) 12-and-under (girls), 14-and-under (girls), 16-and-under (girls) at 18-under (girls).
- Latest