^

PSN Palaro

Lady Tams, Tigresses tumiyak ng playoff

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (The Arena, San Juan City)

10 a.m.  UP vs La Salle (M)

2 p.m. FEU vs UE (M)

4 p.m.  UP vs NU (W)

MANILA, Philippines – Binawi ng FEU Lady Tamaraws ang pagkatalo sa unang pagkikita sa Adamson Lady Falcons sa pamamagitan ng 25-20, 25-21, 25-18, upang patalsikin na ito sa 77th UAAP women’s volleyball kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Lumabas ang pagi­ging beterana ng setter na si  Yna Louise Papa at kinumpleto naman nina Bernadeth Pons, Remy Joy Palma at Geneveve Casugod ang mga set sa kanila upang makahirit ng playoff ang FEU para sa ikaapat at huling upuan sa semifinals sa tinapos na 6-8 baraha sa elimination.

Naunang nagdomina ang Adamson sa FEU sa first round sa pamamagitan ng straight sets pero mas determinado ngayon ang Lady Tamaraws para maipaghiganti rin ang pagkatalo sa limang sets sa playoff ng dalawang koponan para sa huling upuan sa semifinals noong nakaraang taon.

Bago ito ay kinalos ng UST Tigresses ang UE Lady Warriors, 25-10, 25-22, 25-11, para selyuhan din ang playoff spot sa 6-8 baraha.

Puwede pang ma­ging tatlo ang koponan na maglalaban-laban para sa huling upuan dahil sasalang ang UP Lady Maroons (5-8) laban sa semifinalist ng National University Lady Bulldogs sa pagtatapos ng double-round elimination ngayong hapon.

May 23 excellent sets si Papa bukod sa dalawang aces sa kanyang ikalawang sunod na pagiging starter uli sa koponan.

Sina Pons at Palma ay mayroong tig-12 puntos habang si Casugod ay may 11 puntos pa.

Sina Pons at Casugud ay nagsanib sa 20 attack points habang may apat na blocks si Palma para pakinangin ang tagumpay.

May 11 puntos si My­lene Paat pero wala ang dating tikas na nakita sa Lady Falcons para matapos ang dalawang sunod na pagtapat sa Final Four sa ilalim ng pagmamando ni coach Sherwin Meneses.

vuukle comment

ADAMSON LADY FALCONS

BERNADETH PONS

FINAL FOUR

GENEVEVE CASUGOD

LA SALLE

LADY

LADY TAMARAWS

SAN JUAN CITY

SINA PONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with