^

PSN Palaro

Galaw ni Mayweather pinag-aaralan na ni Roach

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ngayon pa lamang ay pinag-aaralan na ni chief trai­ner Freddie Roach ang mga fight tapes ni Floyd Mayweather, Jr.

Ito ay sa kabila ng kawalan pa rin ng official announcement para sa mega showdown nina Mayweather at Manny Pacquiao.

“I’ve done a little bit of research on Floyd, and I’ve done a little bit of research on sparring partners,” sabi ni Roach kahapon sa media workout ni Chinese superstar Zou Shiming sa kanyang Wild Card Gym sa Hollywood, California.

Itinakda ng 37-anyos na si Mayweather ang upakan nila ng 36-anyos na si Pacquiao sa Mayo 2 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Sinabi ni Pacquiao na si Mayweather mismo ang gagawa ng official announcement para sa kanilang super fight.

Naniniwala si Roach na malaki ang tsansa ng Filipino world eight-division champion na maipa­lasap kay Mayweather ang kauna-unahan nitong kabiguan.

Ito ay dahil na rin sa pagiging kaliwete ng Sarangani Congressman.

Inamin ni Roach na hindi madaling talunin ang kagaya ni Mayweather, nagdadala ng malinis na 47-0-0 win-loss-draw ring record kasama ang 26 KOs. (Russell Cadayona)

 

 

FLOYD MAYWEATHER

FREDDIE ROACH

LAS VEGAS

MAYWEATHER

PACQUIAO

RUSSELL CADAYONA

SARANGANI CONGRESSMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with