^

PSN Palaro

NLEX naka-isa na, Thornton nagpasiklab sa panalo

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bagama’t walang local players na nakaiskor ng double figures, sapat na ang produksyon ni NBA veteran Al Thornton para makamit ng Road Warriors ang kanilang kauna-unahang panalo.

Kumolekta ang 6-foot-9 na si Thornton ng 39 points, tampok dito ang 4-of-5 shooting sa three-point line, at 15 rebounds para pangunahan ang NLEX sa 106-79 pagpapatumba sa Blackwater sa 2015 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

“Really nice to get our first win this conference. This will not be a reality if my players didn’t play that well,” sabi ni head coach Boyet Fernandez.

Nagdagdag sina Niño ‘KG’ Canaleta, Jonas Villanueva, Rudy Lingganay at Rico Villanueva ng tig-9 points para sa unang panalo ng Road Warriors matapos ang 0-3 panimula sa torneo.

Nabigo naman ang Elite na masundan ang ka­nilang 80-77 panalo sa San Miguel, naghari sa nakaraang PBA Philippine Cup.

Hinawakan ang 14-4 bentahe sa opening period, naglista ang NLEX ng 23-point lead, 42-19, laban sa Balckwater sa second quarter patungo sa 55-27 kalamangan sa halftime.

Matapos kunin ang 84-49 abante sa third period ay tuluyan nang sinelyuhan ng Road Warriors ang ka­nilang panalo sa Elite mula sa 92-57 iskor sa huling apat na minuto ng final canto.

Tumipa si Bryan Faundo ng 17 points, habang may  tig-15 sina naturalized player Marcus Douthit at Robbie Celiz sa panig ng Blackwater.

Kasalukuyan pang nag­lalaban ang San Mi­guel at ang Alaska habang isinsulat ito.

Samantala, hangad naman ng nagdedepensang Purefoods Hotshots na masolo ang ikalawang silya sa pagsa­gupa sa Kia  Carnival ngayong alas-7 ng gabi sa Big Dome.

Sa unang laro sa alas-4:15 ng hapon ay magtutuos ang Barako Bull Energy at ang Globalport Batang Pier.

NLEX 106 – Thornton 39, Canaleta 9, Lingganay 9, J. Villanueva 9, E. Villanueva 9, Hermida 8, Taulava 8, CArdona 7, RAmos 4, Arboleda 2, Baloria 2, Camson 0, Boroboran 0, Apinan 0, Soyud 0.

Blackwater 79 – Faundo 17, Douthit 15, Celiz 15, Reyes 8, Heruela 7, Laure 7, Bulawan 6, Acuna 4, Canada 0, Timberlake 0, Nuyles 0, Erram 0, Ballesteros 0, Gamalinda 0, Salvacion 0.

Quarterscores: 24-11; 55-27; 84-49; 106-79.

AL THORNTON

BARAKO BULL ENERGY

BIG DOME

BOYET FERNANDEZ

BRYAN FAUNDO

CANALETA

GLOBALPORT BATANG PIER

JONAS VILLANUEVA

ROAD WARRIORS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with