^

PSN Palaro

Papalit kay Salud hanap ng PBA

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pormal nang inihayag kahapon ni Chito Salud ang kanyang pagbibitiw bilang PBA Commissioner.

“With due and respectful notice to our team ow­ners and board of governors, I have decided to step down and relinquish my position as PBA Commis­sioner at the end of this sea­son,” ani Salud.

Sa pamamahala ni Sa­lud ay nagpatuloy ang pa­giging top sports entertainment ng liga sa bansa kung saan bumasag ito ng record sa gates at TV ratings sa pa­kikipagtulungan sa TV5.

Sa kanyang liderato rin ang muling paglalaro ng ban­sa sa 2014 World Cup mu­la sa pagsikwat ng Gilas Pilipinas sa silver medal ng 2013 FIBA-Asia Men’s Championships.

Si Salud ang pumalit kay Sonny Barrios noong 2010 bilang pang-walong PBA Commissioner.

“After five years as Com­missioner, I believe the time is right to pass the ba­ton to a new and fresh lea­­dership, a fresh face with afresh voice and fresh ideas that will take the league to greater heights,” sabi ni Sa­lud, isang abogado na nag­silbing presidente ng Na­tional Home Mortgage Finance Corp. at ng Natural Resources Development Corp.

Ang ama ni Salud na si Atty. Rudy Salud ay dati ring PBA Commissioner.

ASIA MEN

CHITO SALUD

GILAS PILIPINAS

HOME MORTGAGE FINANCE CORP

NATURAL RESOURCES DEVELOPMENT CORP

RUDY SALUD

SHY

SI SALUD

SONNY BARRIOS

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with