^

PSN Palaro

Bagong talento nadiskubre sa Ronda Visayas qualifying

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naisakatuparan ng organizers ng 2015 Ronda Pilipinas na handog ng LBC ang layunin sa isinagawang tatlong araw na Visayas qualifying.

Mga bagong mukha ang nakasama sa mga datihan na bumuo sa 40 siklistang umabante sa Championship round na gagawin mula Pebrero 22 hanggang 27.

“The real goal of Ronda Pilipinas is to discover new talents. This Visayas qualifier, we’re happy to see new faces and young riders, who made it to the Championship round,” wika ni Ronda executive director Moe Chulani.

Nanguna sa bagong mukha na natuklasan ay si Kenneth Solis na siyang kampeon sa Under-23.

Ang iba pang bagito ay sina Jaybop Pagnanawon at kapatid nitong si Jhunvie Pagnanawon bukod kay Cesar Lapaza Jr.

Ang mga Pagnanawon ay anak ng 1986 Marlboro Tour champion na si Rolando habang si Lapaza ay nakababatang kapatid ng nagdedepensang kampeon na si Reimon Lapaza.

Ang mga subok ng mga siklista na umabante ay sina overall champion Boots Ryan Cayubit, Marcelo Felipe, Irish Valenzuela, Baler Ravina, Cris  Joven, Mark Julius Bonzo, Merculio Ramos Jr. at John Rene Mier.

Lilipat ang elimination sa karerang may basbas ng PhilCycling at suportado ng MVP Sports Foundation, Petron at Mitsubishi sa Luzon na gagawin mula Pebrero 16 at 17.

BALER RAVINA

BOOTS RYAN CAYUBIT

CESAR LAPAZA JR.

IRISH VALENZUELA

JAYBOP PAGNANAWON

JHUNVIE PAGNANAWON

JOHN RENE MIER

KENNETH SOLIS

MARCELO FELIPE

RONDA PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
3 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with