^

PSN Palaro

Lady Stags nagpaparamdam

Pilipino Star Ngayon

SUBIC, Philippines – Magarang panimula ang ginawa ng nagdedepensang kampeon San Sebastian Lady Stags sa pagsisimula kahapon ng 90th NCAA beach volley sa Boardwalk sa Subic Bay Freeport dito.

Sina Gretchel Soltones at Camille Uy ang nagtambal para sa Lady Stags at kanilang kinalos ang Mapua na kinatawan nina Camille de la Peña at Debbie Dultra, 21-11, 21-9.

Ito ang unang pagkakataon na magkasama sina Soltones at Uy sa sand court at sumandal ang dalawa sa kanilang talento para maitala ang unang panalo.

“Wala kaming training sa sand court kaya medyo nahirapan kami,” wika ng 19-anyos at business management student na si Soltones.

Si Soltones ang siya ring nagdedepensang MVP ng liga at determinado sila ni Uy na mapanatili ang korona sa kanilang paaralan para maibsan ang pagkatalo sa Arellano Lady Chiefs sa indoor volleyball.

ARELLANO LADY CHIEFS

CAMILLE UY

DEBBIE DULTRA

LADY STAGS

SAN SEBASTIAN LADY STAGS

SI SOLTONES

SINA GRETCHEL SOLTONES

SOLTONES

SUBIC BAY FREEPORT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with