^

PSN Palaro

Hapee, Cebuana ipoporma ang finals

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (The Arena, San Juan City)

2 p.m.  Cebuana Lhuillier vs Cagayan Valley

4 p.m.  Café France vs Hapee

MANILA, Philippines – Pagtatangkaan ngayon ng Hapee Fresh Fighters at Cebuana Lhuillier Gems na ikasa ang kanilang pagtutuos para sa titulo ng PBA D-League Aspirants’ Cup sa pamamagitan ng paggapi sa mga katunggali sa best-of-three semifinals na gagawin sa The Arena sa San Juan City.

Hanap ng Fresh Figh­ters na ulitin ang 74-58 dominasyon sa Café Fran­ce Bakers sa  tagisang mapapanood matapos ang unang laro sa hanay ng Gems at Cagayan Valley Rising Suns sa ganap na alas-2 ng hapon.

May 2-0 karta ang tropa ni coach Ronnie Magsanoc sa Bakers sa conference na ito at ang kanilang winning margin ay nasa 15 puntos upang mapaboran sa laban.

“Café France is a well coached team and we have to be prepared,” wika ni Hapee coach Ronnie Magsanoc.

Ang husay nina Garvo Lanete at Bobby Ray Parks Jr. ang mga magdadala sa opensa pero ang pambato ng koponan ay sa depensa dahil pinahihintulutan lamang nila ang mga kalaban sa 58 puntos.

Sasandalan ng Gems ang 89-85 panalo laban sa Cagayan Rising Suns para makuha ang ikalawang pagtungtong sa championship round.

Malakas na panimula ang ginamit ng Gems sa unang pagkikita upang makauna sa best-of-three series.

Nakikita ni coach David Zamar na gagawa ng adjustments ang Cagayan kaya’t hindi dapat na magkumpiyansa ang kanyang mga bataan.

May 11-0 sa elimination round, tiyak na magpupursigi ang mga kamador ng Rising Suns sa pangu­nguna ng top rookie pick na si 6’7” center Moala Tau­tuaa na sa huling laro ay mayroon lamang li­mang puntos.

Sakaling magkaroon ng do-or-die game, ito ay gagawin sa Huwebes. (AT)

vuukle comment

BOBBY RAY PARKS JR.

CAGAYAN RISING SUNS

CAGAYAN VALLEY

CAGAYAN VALLEY RISING SUNS

CEBUANA LHUILLIER

CEBUANA LHUILLIER GEMS

RONNIE MAGSANOC

SAN JUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with