^

PSN Palaro

Pagara pinabagsak ang Mexican boxer

ACordero - Pilipino Star Ngayon

DAVAO CITY, Philippines – Ibinigay ni Jason Pagara ang hinahanap ng mga boxing fans matapos pabagsakin si Cesar Chavez ng Mexico sa ikalawang rounds dito sa USEP Gym noong Sabado ng gabi .

Kaagad pinagkaguluhan ang Cebu-based boxer ng kanyang mga fans para magpakuha ng litrato sa kanyang pagbaba ng bo­xing ring bitbit ang makintab na boxing belt sa kanyang kanang balikat.

“I’m ready,” sabi ni Pa­gara sa kanyang hangad na title fight.

Idinagdag ni Pagara na ang kanyang mga promo­ters ang bahala sa kanyang boxing career.

Ang panalo ang nagtiyak kay Pagara, pinatulog ang 12 sa kanyang 24 biktima, na lumaban sa Amerika para kumampan­ya sa 140 lbs class.

Nagbigay siya ng mala­laking pangalan.

Nasa drawing board ng ALA card sa San Diego sa May 23 si Pagara at sa San Francisco na babanderahan ni Albert Pagara.

Sa September o October ay magkakaroon ang ALA ng malaking boxing card sa StubHub Center sa Carson, California tampok ang mga top ALA fighters.

Sa  main supporting bouts, nagtala naman ng mga panalo sina junior bantamweight Arthur Villa­nueva at junior featherweight Genesis Servania.

Tinalo ni Villanueva si Julio Cesar Miranda at inungusan ni Servania si Juan Luis Hernandez .

Pinigil naman ni feather­weight Mark Magsayo si Thai opponent, Sukkasem Kietyongyuth sa 2:15 mark ng fifth round.

vuukle comment

ALBERT PAGARA

ARTHUR VILLA

CESAR CHAVEZ

GENESIS SERVANIA

JASON PAGARA

JUAN LUIS HERNANDEZ

JULIO CESAR MIRANDA

KANYANG

PAGARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with