^

PSN Palaro

Junior Archers sinibak ang Baby Falcons

Pilipino Star Ngayon

Laro sa Lunes

(Blue Eagle Gym)

1 p.m.  DLSZ vs NU

 (Jrs. semis)

 

MANILA, Philippines - Gumawa sina Aljun Me­lecio at Quinito Banzon ng 21 at 20 puntos para manatiling buhay ang paghahabol ng La Salle-Zobel Junior Archers ng titulo sa 77th UAAP juniors basketball sa 87-81 panalo laban sa Adamson Baby Falcons sa step-ladder semifinals kahapon sa Blue Eagle Gym.

May apat na triples si Melecio  bukod sa  walong rebounds at tatlong assists habang si Banzon ay may 6-of-10 shooting, tampok ang 2-of-2 sa 3-point line para angkinin ng fourth seed ang karapatan na la­banan ang nagdedepen­sang kampeon National University Bullpups sa ikalawang yugto ng kompetisyon.

Dahil pumangalawa ang NU, magkakaroon sila ng twice-to-beat advantage sa La Salle.

 Ang mananalo rito ang siyang makakasukatan ng Ateneo Blue Eaglets na winalis ang 14-game elimination tungo sa mahalagang thrice-to-beat advantage,

May 20 puntos at 17 rebound si Frederick  Tungcab para sa Baby Falcons na namaalam sa kompetisyon.

Ininda ng Baby Falcons ang masamang panimula na kung saan naiwanan sila ng hanggang 20 puntos, 44-64, sa ikatlong yugto upang masayang ang 34 puntos na ginawa sa fourth period.

May 11 puntos si Tungcab sa huling yugto habang ang triple ni Gerald Fernandez ang nagdikit sa Adamson sa anim, 79-85.

Ngunit si Brent Paraiso ay nagsalpak ng dalawang free throws para selyuhan ang panalo.

Umarangkada agad ang La Salle sa 26-16 kalamangan sa unang yugto dahil sa maagang pag-iinit ni Banzon.

Hindi siya sumablay sa apat na attempts at may 2-of-2 sa three-point line tungo sa10 puntos.

Gumana na ang laro ni Melecio sa mga sumunod na yugto at ang buslo ni Noah Webb ang nagtala sa pinakamalaking bentahe sa laro na 20 puntos, 69 minuto bago natapos ang ikatlong yugto. (AT)

vuukle comment

ADAMSON BABY FALCONS

ALJUN ME

ATENEO BLUE EAGLETS

BABY FALCONS

BANZON

BLUE EAGLE GYM

BRENT PARAISO

GERALD FERNANDEZ

LA SALLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with