^

PSN Palaro

Kinumpleto ng Gems, Bakers

Pilipino Star Ngayon

Laro sa Huwebes (The Arena, San Juan City)

2 p.m. Hapee vs Café France

4 p.m.  Cagayan Valley Suns vs Cebuana Lhuillier

MANILA, Philippines – Tinalo ng Cebuana Lhuillier Gems ang Jumbo Plastic Giants, 85-81, habang nanaig ang Café France Bakers sa Bread Story-Lyceum Pirates, 81-68, upang umabante pa sa pagtatapos ng PBA D-League Aspirants’ Cup quarterfinals kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nagpakita ng katatagan ang Gems nang nagawang bumangon matapos mawala ang double-digit lead at naiwanan pa ng anim sa huling yugto para makumpleto ang pagsasantabi sa twice-to-beat advantage na hawak ng number four seed Giants.

Sina Allan Mangahas at Simon Enciso ang nagtulong para tabunan ang 67-73 iskor at nakalamang pa sa 76-75, bago pumalit si Paul Zamar na inangkin ang anim sa huling siyam na puntos para tuluyang pagpahingahin ang Giants.

Ibinuhos ni Zamar ang lahat ng walong puntos sa huling yugto habang si Norbert Torres ang na­nguna sa koponan sa 17 puntos. Sina Mangahas, Enciso, Almond Vosotros at Kevin Ferrer ay nasa doble-pigura at nagsanib sa 49 puntos.

Si Philip Paniamogan ay may 15 puntos para banderahan ang apat na Giants na nasa double-digits ngunit nalimitahan lamang ang koponan sa dalawang free throws matapos ang huling tabla sa 79-all.

Makakaharap ng Gems ang number one team at walang talong Cagayan Valley Rising Suns sa semifinals na isang best-of-three series.

Ginamit naman ng Ba­kers ang 16-2 palitan sa ikatlong yugto para basagin ang naunang dikitang laro para tapusin ang res­pe­tadong kampanya ng baguhang Pirates.

Tig-anim na puntos ang ginawa nina Alvin Abondo at Aaron Jeruta para pasik­labin ang run na ito na na­katulong upang bigyan ang Café France ng 31-14 bentahe sa naturang yugto.

Makakalaban naman ng Bakers ang Hapee Fresh Fighters sa semifinals na lalaruin sa isa ring best of three series. (AT)

vuukle comment

AARON JERUTA

ALMOND VOSOTROS

ALVIN ABONDO

BREAD STORY-LYCEUM PIRATES

CAGAYAN VALLEY RISING SUNS

CAGAYAN VALLEY SUNS

CEBUANA LHUILLIER

SAN JUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with