^

PSN Palaro

Japan, Taiwan tutulong sa sports development ng Pinas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagpaabot ang bansang Chinese Taipei ng ka­han­daan na tumulong sa pagsasanay ng Pamban­sang atleta para sa mala­laking kompetisyon na balak salihan.

Ayon kay POC chairman Tom Carrasco Jr., nakausap niya ang Chinese Taipei Olympic Committee secretary na si general Kevin Chen kamakailan at naibulalas nito ang kahandaan ng kanilang bansa na makipagpalitan ng kaalaman sa larangan ng sports.

“Willing silang tumulong sa atin at ang pirmahan ng MOA ay maaaring gawin anytime from now,” ani Carrasco.

Ang Chinese Taipei ay nanalo ng ginto sa Olympics sa larangan ng taek­wondo at ito ang maa­aring gamitin ng Pilipinas para may alternatibong pag­sanayan ang mga jins bukod sa nakagawian sa Korea.

Bago ang Chinese Taipei ay naunang nagpahayag ang bansang Japan na gustong tulungan ang bansa sa sports development.

Kung maisara ang usa­pin sa Japan, isa sa agad na makikinabang ay ang gymnastics na nitong mga nagdaang taon ay humihingi ng tulong sa nasabing bansa para sanayin ang mga batang gymnasts.

Ang pakikipagtulungan sa ibang bansa na pinapasok ng POC ay iba sa naunang MOA na sinuong ng Philippine Sports Commission (PSC) para mas lumawig ang mga bansang puwedeng puntahan ng Pilipinas para sa pagsasa­nay.

Ito rin ay hakbang ng POC para maserbisyuhan pa ang mga NSAs para umunlad ang kanilang mga programa. (AT)

ANG CHINESE TAIPEI

CHINESE TAIPEI

CHINESE TAIPEI OLYMPIC COMMITTEE

KEVIN CHEN

PARA

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

PILIPINAS

SHY

TOM CARRASCO JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with