^

PSN Palaro

POC papasok na sa bowling

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pakikialaman ng Phi­lippine Olympic Committee (POC) ang bowling association sa hangaring putulin ang mga kabiguang nangyayari sa sinasalihang international competitions.

Ayon kay POC president Jose Cojuangco Jr., nakakabahala ang kasalukuyang estado ng bowling sa bansa dahil sadsad na ito bunga ng kawalan ng gintong medalya na napapanalunan sa kompetisyong sinalihan sa labas ng bansa.

Nabokya ang mga panlaban sa Incheon Asian Games noong nakaraang taon at sa Asian Tenpin Bowling Championships sa Bangkok, Thailand mula Enero 15 hanggang 26.

“Kailangang magising na ang sistema sa bowling lalo na sa preparations dahil nangangamote ang mga bowlers,” wika ni Cojuangco.

Kakausapin ni Cojuangco ang mga opisyal ng Philippine Bowling Congress (PBC) para tignan kung ano ang nangyayari sa sport na dati ay tiniti­ngala sa mundo.

Nasa Pilipinas ang isa sa pinakamahusay na bowler sa mundo na si Paeng Nepomuceno na isang six-time World Bow­ling Champion at bukod tanging manlalaro na naka-apat na World Cup titles.

“I will meet with the people concern in the handling and training. Pakikialaman na natin ito nang konti. Dapat ay bumalik sila sa basics,” dagdag ni Cojuangco.

Tinuran niya hindi naman mahihina ang national bowling team ngunit napapansin niya na hindi sila agad nakakagawa ng paraan kapag hindi gamay ang oiling ng pinaglalaruan.

“Nakakaiskor sila kapag gamay nila ang lanes. Pero kapag hindi hirap na dahil nawala ang kanilang fundamentals. Ito ang dapat na ibalik sa kanila, ang basics,” dagdag ni Cojuangco na dati ay naupo bilang pangulo ng junior bowlers association.

Dahil sa masamang ipi­nakikita ng bowling kaya’t nagdesisyon na rin ang Philippine Sports Commission (PSC) na alisin na ang sport sa priority list na nabibigyan ng mas malaking tulong pinansyal kumpara sa ibang sports. (AT)

vuukle comment

ASIAN TENPIN BOWLING CHAMPIONSHIPS

BOWLING

COJUANGCO

INCHEON ASIAN GAMES

JOSE COJUANGCO JR.

NASA PILIPINAS

OLYMPIC COMMITTEE

PAENG NEPOMUCENO

PAKIKIALAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with