^

PSN Palaro

5th Stags Run dinomina nina Nabong, Tarayao

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinangunahan nina Nartional junior standout Vincent Jacob Nabong at fitness enthusiast  Coleen Tarayao ang 10-kilometer race ng 5th Stags Run ng San Sebastian College-Recoletos Manila na nagtala ng record attendance kahapon sa Plaza Rajah Sulayman sa Baywalk sa Roxas Boulevard.

Ito ang unang 10-km race victory para sa 16-anyos na si Nabong matapos magtala ng mga Palarong Pambansa records sa 800-m (2.07.12) at 1,500-m (4.28.52) sa elementary divisions sa annual race na naglalayong makalikom ng pondo para sa kanilang charity at missio­nary works dito at sa ibang bansa.

“This is my first time to win,” sabi ni Nabong, bahagi ng koponang kumatawan sa bansa sa ASEAN School Games noong nakaraang buwan.

Sina San Sebastian rector president Fr. Christopher Maspara, OAR, at Vice President at race’s overall chair Joel Alve, OAR, ang nagbigay ng award sa karerang sinalihan ng record na halos 5,000 runners na mas marami kumpara sa nakaraang apat na edisyon.

“We’re happy with the turnout and this will go a long, long way to fund our missionary works here and in other countries,” ani Maspara.

Pumangalawa naman kay Nabong si Blaise San Miguel kasunod si Karl Tadeo, habang sina Pauline Manglo at Jasmine Victory ang sumunod kay Tarayao sa distaff side sa karera na nagsilbing culminating event ng San Sebastian’s 74th Founding Anniversary.

BLAISE SAN MIGUEL

CHRISTOPHER MASPARA

COLEEN TARAYAO

FOUNDING ANNIVERSARY

JASMINE VICTORY

JOEL ALVE

KARL TADEO

NABONG

PALARONG PAMBANSA

PAULINE MANGLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with