^

PSN Palaro

Aldridge binalewala ang injury, Blazers isinalba

Pilipino Star Ngayon

PORTLAND, Oregon –Tumanggi si LaMarcus Aldridge na sumailalim sa thumb surgery at tinulungan ang Trail Blazers sa 103-96 panalo laban sa Washington Wizards.

Pinalawig ng Blazers ang kanilang pangunguna sa NBA Northwest Division, habang pumangalawa ang Wi­zards sa Eastern Conference sa ilalim ng Atlanta.

Nauna nang sinabi ni Aldridge na anim hanggang walong linggo ang kanyang ipapahinga para sa kanyang ligament surgery.

Ngunit ilang oras bago ang kanilang laro ay inihayag ng Blazers na maglalaro ang three-time All-Star.

Tumapos si Aldridge na may 26 points at 9 rebounds, habang nagdagdag si Damian Lillard ng 20 points at 7 assists para sa Blazers.

Nagtabla ang Portland at ang Washington sa gitna ng fourth quarter bago lumamang ang Blazers ng two points sa huling 3:28 minuto.

Nagsalpak si Meyers Leonard ng tatlong sunod na free throws sa huling 1:07 minuto para iwanan ang Wizards.

Pinangunahan ni John Wall ang Washington sa kanyang 25 points at 9 assists.

Sa Memphis, tinalo ng Memphis ang Philadelphia, 101-83, para kunin ang ika­anim nilang panalo sa huling pitong laro.

Tumipa si Zach Randolph ng 17 points at 14 rebounds at may 18 points si Jeff Green para sa Grizzlies.

Tumapos si rookie Jerami Grant ng 16 points para mamuno sa Si­xers, na umasinta ng 38 percent at nagtala ng 24 turnovers.

Sa iba pang laro, pinataob ng Charlotte Hornets ang New York Knicks, 76-71; giniba ng Utah Jazz ang Brooklyn Nets, 108-73 at namayani ang Milwaukee Bucks sa Detroit Pistons, 101-86.

vuukle comment

ALDRIDGE

BROOKLYN NETS

CHARLOTTE HORNETS

DAMIAN LILLARD

DETROIT PISTONS

EASTERN CONFERENCE

JEFF GREEN

JERAMI GRANT

JOHN WALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with