^

PSN Palaro

ABAP ipinilit na hindi pro sina Barriga at Suarez

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagkaroon ng pag-uusap ang ABAP at ang Games and Amusement Board (GAB) hinggil sa es­tado nina Mark Anthony Barriga at Charly Suarez matapos lumahok sa AIBA Pro Boxing noong nakaraang taon.

Noong Martes ng gabi ay nagtungo ang pamunuan ng ABAP sa opisina ng GAB para ipaliwanag na hindi ikinukunsidera ng international federation bilang isang professional league ang kanilang torneo kaya hindi kailangan nina Barriga at Suarez na kumuha ng li­sensya sa GAB katulad ng mga professional boxers.

“Ipinaliwanag namin na hindi isang professional tour­nament ang AIBA Pro Bo­xing. Pero hanggang di­to lamang ang puwede kong sabihin dahil  nagkasun­do ang ABAP at ang GAB na hindi na muna magsasalita sa bagay na ito,” wika ni ABAP executive director Ed Picson.

Hindi rin tinuran ng opis­yal kung serye ng pagpu­pulong ang gagawin ng da­lawang panig para lu­bu­sang malinawan ang usa­pin.

Nauna nang sinabi ni GAB chairman Ramon Guanzon na professional bo­xers na sina Barriga at Sua­rez dahil pumirma sila ng kontrata at tumatanggap ng bayad kada laban.

Limang taon ang kon­tratang pinirmahan nina Barriga at Suarez sa pag­sa­li sa AIBA Pro Boxing na isa ring qualifying event para sa 2016 Rio Olympics.

Si Barriga ay isang London Olympics veteran at 2013 SEA Games gold medalist, habang si Suarez ay isang Incheon Asian Games silver medalist pero ang dalawa ay hindi makakasali sa SEA Games sa  Singapore dahil sa pagpir­ma sa AIBA Pro Boxing.

“Hindi na pinahihintu­lutan ang mga sumali sa AIBA Pro Boxing na lumahok pa sa mga tournaments na hindi direktang na­sa pangangasiwa ng in­ternational body,” ani Picson.

Nagsabi si PSC chairman Ricardo Garcia na po­sibleng tanggalin ang da­lawa sa priority list. (AT)

BARRIGA

CHARLY SUAREZ

ED PICSON

GAMES AND AMUSEMENT BOARD

INCHEON ASIAN GAMES

PRO BOXING

SHY

SUAREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with