^

PSN Palaro

Blakely pansamantalang maglalaro sa Purefoods habang wala si Orton

Joey Villar, Nelson Beltran - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang three-year NBA veteran ang tunay na ipaparada ng nagdedepensang Purefoods para sa da­rating na PBA Commissioner’s Cup.

Ayon kay head coach Tim Cone, si balik-import Mar­qus Blakely ang pansa­mantalang kukuha sa pu­westo ni Daniel Orton habang hindi pa tapos ang kam­panya ng Sichuan team sa Chinese Basketball Association.

Maaaring makalaro si Orton sa unang linggo ng Peb­rero.

Gagamitin ng Hotshots si Blakely sa isang laro la­mang sa mid-season tour­ney na bubuksan sa Ene­­ro 27 sa Mall of Asia Are­na sa Pasay City.

Bubuksan ng Purefoods ang pagtatanggol sa ka­nilang Commissioner’s Cup title laban sa Globalport sa Enero 30 sa Cuneta Astrodome.

Tinulungan ni Blakely na maipasok ang Hotshots sa tatlong sunod na Governor’s Cup finals kung saan dalawa ang nagresulta sa ka­nilang kampeonato.

Subalit sa taas lamang na 6-foot-4, inaasahang hin­di mapapantayan ni Blakely ang lakas ng ilang se­ven-footers na matu­tunghayan sa second con­fe­rence.

Ang Blackwater, Kia, NLEX at Barako Bull ang nabigyan ng karapatang hu­mugot ng mga imports na may unlimited height pa­ra sa torneo.

Maaari namang ma­ka­paglaro kaagad si Orton sa Hotshots dahil hindi ina­­­asahang makakapasok ang kanyang Sichuan team sa playoffs ng CBA.

Ang Blue Whales ay may 5-27 win-loss mark.

Naglaro siya sa tatlong NBA sea­sons para sa Orlando Magic, Oklahoma City Thunder at Philadelphia Si­xers.

Nagposte si Orton ng mga averages na 2.8 points, 2.5 rebounds, 0.5 assist, 0.5 block at 0.4 steal.

Si Orton ay sinasabing isang 6-foot-10 center.

Sobra naman sa height limit si 6’10 Denzel Bowles.

Si Bowles ang gumiya sa Hotshots sa paghahari sa Governor’s Cup noong 2013 edition na nagpakita sa mga imports na may un­­limited height.

Napanatili ng Purefoods ang korona sa tulong ni import James Mays.

Ang mga imports na pa­parada para sa dara­ting na Commissioner’s Cup ay sina DJ Covington (Alaska), So­lomon Alabi (Ba­rako Bull), Michael Du­nigan (Gi­nebra), Chris Charles (Blackwater), CJ Leslie (Glo­balport), Peter John Ramos (Kia), Al Thornton (NLEX), Rick Jackson (Rain or Shine) at balik-import Richard Howell (Talk ‘N Text).

 

AL THORNTON

ANG BLACKWATER

ANG BLUE WHALES

BARAKO BULL

CHINESE BASKETBALL ASSOCIATION

CHRIS CHARLES

ORTON

PUREFOODS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with