^

PSN Palaro

Korver nagbida sa panalo ng Hawks

Pilipino Star Ngayon

CHICAGO -- Tinitingnan ng Atlanta Hawks ang mga koponan sa Eastern Conference patungo sa se­cond half ng season.

Mula sa kanilang mahusay na opensa at mabigat na depensa, maaaring bumandera si Kyle Korver at ang kanyang grupo.

Nagsalpak si Korver ng isang season-high na pitong 3-pointers para tuma­pos na may 24 points at igi­ya ang Hawks sa 107-99 panalo kontra sa Chicago Bulls .

Ito ang pang-12 sunod na arangkada ng Atlanta.

“I think we’re gaining con­fidence by the game,” wika ni Korver.

Nadagdag si Al Horford ng 22 points at 9 rebounds sa pagduplika ng Hawks sa ikalawang pinakamaha­bang winning streak sa fran­chise history.

Tumipa naman si Paul Millsap ng 16 markers, ha­bang nagtala si guard Jeff Teague ng 17 points at 11 assists.

Nakamit ng Hawks (33-8) ang kanilang ika-26 panalo sa huli nilang 28 laro matapos ang 7-6 panimula sa season.

Umiskor si Korver ng 12 points mula sa 4-for-4 shooting sa 3-point range kung saan lumamang ang Atlanta ng 14 puntos patu­ngo sa 48-39 kalamangan sa halftime.

Tumipa si Korver ng isang four-point play para sa 80-69 bentahe ng Hawks sa 11:09 minuto sa fourth quarter bago nagtu­wang sina Horford at Millsap para ibaon ang Bulls sa 97-88 sa huling 3:29 mi­nuto.

Kumamada si guard Derrick Rose ng 23 points, 10 assists at 8 rebounds sa panig ng Chicago (27-15).

Naipatalo ng Bulls ang lima sa kanilang huling pi­tong asignatura.

Nag-ambag si center Pau Gasol ng 22 points at 15 rebounds, samantalang may 15 markers si Jimmy Butler.

Sa Houston, nagpasabog sina Stephen Curry at Klay Thompson ng tig-27 points at gumamit ang Golden State Warriors ng malaking ratsada sa third quarter para sa kanilang 131-106 paggupo sa Houston Rockets.

Bumangon ang Warriors mula sa kabiguan sa Ok­lahoma City Thunder no­ong Biyernes na pumi­gil sa kanilang eight-game winning streak.

Sa Memphis, tumipa si reserve point guard Beno Udrih ng dalawang krusyal na baskets para sa 102-98 panalo ng Grizzlies laban sa Portland Trail Blazers.

Ang ikalawang tirada ni Udrih sa natitirang 8.7 se­gundo ang sumelyo sa pa­nalo ng Memphis.

Nagdagdag si Zach Ran­dolph ng 20 points.

AL HORFORD

ATLANTA HAWKS

BENO UDRIH

CHICAGO BULLS

CITY THUNDER

DERRICK ROSE

KORVER

POINTS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with