^

PSN Palaro

Falcons sinamahan ang Bulldogs sa itaas

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinablahan ng Adamson Falcons ang nagdedepensang kampeon National University Bulldogs nang kunin ang 25-20, 25-21, 25-23, panalo sa FEU Tamaraws sa pagtatapos kahapon ng 77th UAAP men’s volleyball sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ginamit  ng Falcons ang galing sa net game para wakasan ang u­nang round bitbit ang 6-1 baraha.

Ito rin ang baraha ng Bulldogs nang matalo sa Ateneo Blue Eagles noong Sabado pero hinawakan ng NU ang unang puwesto dahil sa straight sets panalo na nakuha sa unang laro ng liga noong Nobyembre 22.

Si Michael Sudaria at Christopher David ay may 10 at walong hits na kinuha sa kills para tulungan ang Falcons sa 39-31 bentahe.

May 14 hits si Greg Dolor  pero kinulang siya ng su­porta para bumaba ang Tamaraws sa 2-5 baraha.

Ang larong ito ay dapat ginawa noong Linggo ng umaga pero hindi naidaos dahil nagkaproblema sa kuryente sa venue.

 

vuukle comment

ADAMSON FALCONS

ATENEO BLUE EAGLES

CHRISTOPHER DAVID

GREG DOLOR

MALL OF ASIA ARENA

NATIONAL UNIVERSITY BULLDOGS

PASAY CITY

SI MICHAEL SUDARIA

TAMARAWS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with