^

PSN Palaro

Atlanta Hawks dinagit ang ikaanim na sunod na panalo

Pilipino Star Ngayon

ATLANTA -- Tumipa si guard Jeff Teague ng 25 points, tampok dito ang isang three-pointer sa ka­nilang arangkada, para tu­lungan ang Hawks sa 96-86 paggupo sa Memphis Grizzlies sa banggaan ng dalawang NBA contenders.

Nakamit ng Hawks, may best record sa Eastern Con­ference sa kanilang 27-8 baraha, ang kanilang ikaanim na sunod na pana­lo, habang nalaglag ang Grizzlies (25-10) sa ikatlong pu­westo sa Western Conference.

Humugot si Teague ng 5 points sa isang 12-2 ata­ke ng Atlanta sa huling tatlong minuto sa fourth quarter.

Umiskor ang Hawks ng 10 points at ang ta­nging basket ng Grizzlies sa naturang yugto ay mula sa dunk ni Spaniard Marc Ga­sol sa natitirang 13 se­gun­do.

Nagdagdag si Kyle Kor­ver ng 14 points, habang nag-ambag si Paul Millsap ng 11 points at 9 rebounds pa­ra sa Atlanta.

Gumawa naman si Pe­ro Antic ng 13 markers kasunod ang 12 ni Al Horford.

Pinangunahan ni Mike Conley ang Memphis sa kanyang 17 points at may 16 ni Gasol.

Sa Cleveland, umiskor si James Harden ng 21 points, habang humakot si Dwight Howard ng 17 points at 19 rebounds para pamunuan ang Houston Rockets sa 105-93 panalo laban sa Cavaliers, naglaro sa ikaanim na sunod na pag­kakataon na wala si superstar Le­Bron James.

Naglunsad ang Roc­kets ng 15-5 atake sa fourth quarter para ipalasap sa Cavaliers ang pang-pitong kabiguan nito sa huling si­y­am na laro.

Nagsalpak si Corey Bre­wer ng dalawang 3-pointers at umiskor ng wa­­long sunod na puntos sa naturang ratsada ng Houston.

Umiskor naman si Kyrie Irving ng season-high na 38 points kasunod ang 17 ni Kevin Love na humakot ng 16 rebounds para sa Cavaliers, natalo sa ka­nilang ika­apat na sunod na laro sa Cleveland.

Hindi nakaiskor si J.R. Smith sa loob ng 19 minuto sa kanyang Cleveland debut.

Nakuha ng Cavaliers ang unpredictable guard mula sa Knicks kasama si guard Iman Shumpert.

Sinabi ni James na mag­lalaro siya sa susunod na linggo matapos ang pag­kakaroon ng strained back at knee.

Muling pumasok sa trade ang Cavaliers matapos kunin si 7-foot-1 center Timofey Mozgov mula sa Denver kapalit ng kanilang dalawang first-round draft picks.

Kinuha ng Cavaliers ang 74-73 sa third quarter bago naghabol sa Rockets sa 79-80 agwat mula sa tres ni Matthew Dellavedo­va.

Tumipa naman si Ho­ward ng basket at umiskor si Brewer ng dalawang tres at dalawang free throws para ilayo ang Houston sa 88-79.

Ang tres ni Harden ang nag­bigay sa Rockets ng 98-86 bentahe sa huling 2:19 minuto.

AL HORFORD

BRON JAMES

COREY BRE

DWIGHT HOWARD

EASTERN CON

HOUSTON ROCKETS

IMAN SHUMPERT

POINTS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with