^

PSN Palaro

Perpetual teams ‘must win’ sa NCAA volleyball

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(The Arena,

San Juan City)

8 a.m. – EAC vs SSC (j)

10:00 a.m. – Lyceum

vs Perpetual (j)

12 nn – St. Benilde

vs San Sebastian (w)

2 p.m. – Perpetual

vs Arellano (w)

4 p.m. – Perpetual

vs Arellano (m)

6 p.m. – St. Benilde

vs EAC (m)

 

MANILA, Philippines - Nahaharap sa ‘must-win situation’ ang mga nagdedepensang Perpetual Help sa 90th NCAA volleyball sa The Arena sa San Juan City.

Ang Lady Altas ay ma­papalaban sa Arellano Lady Chiefs ngayong alas-2 ng hapon, habang ang Al­tas ay masusukat kontra sa Chiefs sa alas-4 at kaila­ngang maipanalo ang mga laro para manatiling bu­hay ang paghahabol sa matagumpay na pagta­tanggol sa titulo.

Naging bangungot para sa dalawang defending champions ang hinarap na laro laban sa mga koponan ng St. Benilde sa pag­bubu­kas ng single round robin se­mifinals noong Miyer­ku­les.

Nalagay sa peligro ang planong ikatlong sunod na kampeonato sa kababaihan nang lasapin ng Lady Altas ang 24-26, 22-25,18-25 pagkatalo sa Lady Bla­zers, habang ang four-time defending champion sa kalalakihan na Altas ay pi­na­dapa ng Blazers, 12-25, 27-29, 25-19, 20-25.

Magsisilbing knockout game ang tagisan ng Altas at Chiefs dahil natalo ang huli sa Emilio Aguinaldo College Generals, 26-24, 19-25, 21-25, 17-25, sa unang araw ng Last Four.

Aasa ang Altas kina Bonjomar Castel at Rey Ta­neo na nagsanib sa 29 hits sa unang laro.

Ngunit dapat ding ma­kitaan ang koponan ng ma­tibay na depensa para ma­natiling palaban sa tiket sa finals.

Sa kabilang banda, da­pat na umangat  muli ang laro nina team captain Jamela Suyat at Ma. Lour­des Clemente para manaig sa Lady Chiefs na tinalo ang San Sebastian Lady Stags sa straight sets.

Sina Suyat at Clemen­te ay nagtala lamang ng si­yam at walong hits, ayon sa pagkakasunod, laban sa Lady Blazers.

Sakaling manalo ang Lady Chiefs at Lady Bla­zers ay sila na ang maglala­ban para sa kampeonato sa women’s division ng NCAA. (ATan)

vuukle comment

ALTAS

ANG LADY ALTAS

ARELLANO

LADY

LADY BLA

LADY CHIEFS

SAN JUAN CITY

SHY

ST. BENILDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with