Canoe bets magsasanay sa Hungary para sa 2015 SEAG
MANILA, Philippines – Magtutungo ang national canoe team sa Hungary para sa kanilang high-level training bilang paghahanda sa Southeast Asian Games sa Singapore.
“Hungary is a powerhouse in canoeing and we feel our athletes will learn and improve a lot training there,” sabi ni coach Len Escollante sa European nation na humakot ng pinakamaraming medalya sa canoeing event sa Olympics sa kinolektang 77 medals overall, kasama rito ang 22 golds.
Limang atleta ang magsasanay sa Hungary sa loob ng isang buwan bago sumabak sa Singapore SEA Games, ayon kay Escollante.
Lalahok ang mga Pinoy canoe aces sa pitong events sa Singapore SEAG at umaasang makakakuha ng gold medal sa 1,000 meter doubles, 200-meter single at doubles competitions.
Inaasahang babandera sina Hermie Macaranas at Ojay Fuentes matapos manguna noong 2014.
Ang 19-anyos na si Macaranas, isang Olympic Solidarity scholar, ang kumuha ng silver medal (men’s 500m) sa SEA Canoe Sprint Championship sa Singapore, habang ang 16-anyos na si Fuentes ang sumikwat ng bronze medalist (men’s 200m single).
- Latest


















