^

PSN Palaro

Spurs hiniya ng Grizzlies

Pilipino Star Ngayon

MEMPHIS, Tenn. – Kumolekta si guard Mike Conley ng 30 points at 6 assists, habang nagdagdag si Marc Gasol ng 17 points para tulungan ang Memphis Grizzlies sa 95-87 paggiba sa San Antonio Spurs.

Nagtala si Conley ng 10-of-13 fieldgoal clip at may 4-of-5 shooting sa three-pont range para sa ikalawang sunod na ratsada ng Grizzlies.

Nag-ambag si Tayshaun Prince ng 12 points para sa Memphis.

Umiskor naman sina Marco Belinelli at Cory Joseph ng tig-18 points sa panig ng Spurs, samantalang may 10 si guard Patty Mills.

Naglista ng malamyang 5-of-22 shooting sa 3-point line ang San Antonio.

Tumikada ng magkakasunod na basket sina Spurs reserve Kyle Anderson at center Tim Duncan para sa kanilang 77-80 agwat sa gitna ng fourth period.

Ngunit hindi na sila pinalapit pa ng Grizzlies sa sumunod na mga sandali ng laro.

Sa Atlanta, tumipa si Paul Millsap ng 26 points at dinala sa kanyang mga balikat ang Hawks sa fourth quarter para talunin ang Cleveland Cavaliers, 109-101.

Hindi naglaro si LeBron James para sa Cavaliers dahil sa sumasakit niyang kaliwang tuhod, habang si forward Shawn Marion ay may left ankle sprain.

Sa Chicago, kumayod si Brook Lopez ng season-high 29 points at nagposte si Joe Johnson ng double-double sa kanyang 20 points at 11 rebounds para ihatid ang Brooklyn Nets sa 96-82 panalo laban sa Bulls.

Dahil sa kanilang panalo ay winakasan ng Nets ang seven-game winning streak ng Bulls.

Si Lopez, nagmula sa pagkakaroon ng lower back strain, ang naging starting center ng Brooklyn bilang kapalit ni Kevin Garnett at nagtala ng 13-for-21 fieldgoal shooting.

Pinangunahan naman ni Mike Dunleavy ang Bulls (22-10) sa kanyang 23 points at nalimitahan si Jimmy Butler, may average 26.4 points sa kanilang winning streak, sa 8 points.

Si Derrick Rose ay may 4 points lamang.

Sa iba pang laro, tinalo ng Detroit Pistons ang Orlando Magic, 109-86; pinataob ng New Orleans Pelicans ang Pheonix Suns, 110-106 at binugbog ng Dallas Mavericks ang Washington Wizards sa iskor na 114-87.

BROOK LOPEZ

BROOKLYN NETS

CLEVELAND CAVALIERS

CORY JOSEPH

DALLAS MAVERICKS

DETROIT PISTONS

JIMMY BUTLER

JOE JOHNSON

KEVIN GARNETT

POINTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with