^

PSN Palaro

So inangkin na ang titulo sa North American chessfest

JV - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magkasunod na nakipag-draw si GM Wesley So kina Chinese Grand Master Bu Xiangzhi at American GM Julio Becerra para tuluyan nang angkinin ang titulo bagama’t may natitira pang round sa 24th North American Chess Open sa Las Vegas, Nevada.

Natapos ang anim na sunod na panalo ng top-see­ded na si So makaraang makipaghati ng puntos sa second-ranked na si Bu sa isang marathon 82-move standoff gamit ang Maroczy bind variation ng Sicilian De­fense.

Matapos ang ilang oras ay isang mabilis na 18-move draw naman ang inihirit ni So kay Becerra sa isang Ruy Lopez game para sikwatin ang premyong $10,000.

Sa walong rounds ay may 7.0 points si So mula sa kanyang 6 wins at 2 draws kasunod sina Becerra, Bu at American Alex Yermolinsky, nakipag-draw kay Bu sa 19 moves ng isang Slav duel, sa magkakatulad nilang 6.0 points.

Makakamit ni So ang first place anuman ang maging resulta ng kanyang laro sa ninth at final round dahil sa superior tiebreak.

Ito ang ikaapat na su­nod na panalo ni So nga­yong taon matapos maghari sa Cablanca Memorial sa Cuba, ACP Gol­den Classics sa Bergamo, Italy at sa Millionaire’s Cup sa United States kung saan siya nagbulsa ng $100,000 na kanyang pinakamala­king premyo.

Nakatakdang sumabak si So sa Tata Steel Masters sa Jan. 9 sa susunod na taon sa The Netherlands kung saan niya makaka­tapat ang mga top GMs kasama sina reig­ning men’s at women’s world champions Magnus Carlsen at Hou Yifang.

AMERICAN ALEX YERMOLINSKY

BECERRA

CABLANCA MEMORIAL

CHINESE GRAND MASTER BU XIANGZHI

HOU YIFANG

JULIO BECERRA

LAS VEGAS

MAGNUS CARLSEN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with