^

PSN Palaro

Fajardo malaki ang bahagi sa pag-entra ng Beermen sa finals

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Malaki ang naitulong ng paglalaro sa Gilas Pilipinas ni June Mar Fajardo para maging pinakadominanteng sentro sa PBA ngayon.

Ang karanasang hara­pin ang mga malalaking dayuhan sa huling dalawang taong paninilbihan ng 6’10 na si Fajardo sa mga international tournaments na sinalihan ay kanyang nagamit para maliitin ang hamong ibinibigay ng mga katapat sa PBA.

Sa serye lamang ng San Miguel Beer at Talk ‘N Text ay lutang ang lakas ni Fajardo laban sa mas maliliit na katapat upang bitbitin ang Beermen sa 4-0 sweep sa kanilang se­mifinals series.

Ang huling dalawang laro ay nangyari nitong na­­karaang linggo at hindi naka­apekto kay Fajardo ang pisikal na depensa na ginawa ng Tropang Texters para ipasok na sa finals ang koponan.

May 18 puntos at siyam na rebounds ang 25-anyos tubong Pinamungahan, Cebu sa Game Three ngu­nit naroroon ang suporta ng mga kakamping sina Arwind Santos at Alex Cabag­not para sa 96-95 panalo noong Disyembre 23.

Tatlong araw ang lumipas ay bumalik ng court ang dalawang koponan at ang napahingang si Fajar­do ay mas dominante sa kinanang 28 puntos, 16 rebounds, limang assists at dalawang blocks tungo sa 100-87 panalo.

Pinaglaro si Fajardo sa loob ng 40 minuto at ang naiambag sa laro ay ikalawang pinakamaganda matapos ang 36 puntos at 17 rebounds sa 90-74 tagumpay laban sa Kia noong Nobyembre 19.

Pahinga muna ang Beer­men at hihin­tayin ang ma­­nanalo sa pagitan ng Alaska Aces at Rain or Shine Elasto Painters para sa labanan sa finals.

“Walang madali sa ligang ito kaya kailangan na galingan pa namin,” wika ni Fajardo na naghatid ng 23 puntos, 12.5 rebounds at 3.5 assists sa huling dalawang laro para igawad sa kanya ang ikalawang Accel-PBA Press Corps. Player of the Week mula Dis­yembre 23 hanggang 28.

Dinaig ni Fajardo para sa lingguhang citation sina Cyrus Baguio at Calvin Abueva ng Alaska na angat sa RoS, 3-2, sa kanilang serye. (AT)

vuukle comment

ALASKA ACES

ALEX CABAG

ARWIND SANTOS

CALVIN ABUEVA

CYRUS BAGUIO

FAJARDO

GAME THREE

GILAS PILIPINAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with