^

PSN Palaro

Volleyball yearender Army, Petron nagdomina sa PSL

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagpatuloy ang domi­nas­yon ng Army habang nakatikim din ng kampeo­nato ang Petron para pasig­lahin ang ikalawang taon ng Philippine Superliga.

Ipinarada uli ang mga mahuhusay na spikers na sina Rachelle Ann Daquis, Jovelyn Gonzaga, Mary Jean Balse at Nerissa Bautista at magaling na setter na si Tina Salak sa All Filipino Cup na nagbukas noong Mayo 16, hindi pinaporma ng Lady Troopers, na suportado ng Generika, ang RC Cola-Air Force Raiders sa one-game finals, 25-22, 25-19, 25-16, tungo sa kanilang ikatlong sunod na  titulo sa ligang inorganisa ng Sportscore.

Pitong koponan ang su­mali at ang Army ay na­ka­tabla sa liderato sa 4-2 baraha ng Raiders at Petron pero dahil mas maganda ang quotient ay dumiretso na sa Final Four ang unang dalawang koponan.

Nagkatagisan ang Petron at PLDT Home TVolution Power Attackers at expansion team AirAsia Flying Spikers at Cagayan Valley Lady Rising Suns sa quarterfinals at pinalad na lumusot ang PLDT at AirAsia.

Nakatapat ng Flying Spikers ang Generika na umani ng 3-0 panalo habang dumaan sa fifth set ang tagisan ng RC Cola at PLDT at pinalad na nagwagi ang Raiders.

Hindi sumali ang Army sa ikalawang conference na Grand Prix habang da­lawang expansion teams na Foton Tornadoes at Mane ‘N Tail Lady Stallions ang lumahok para magkaroon pa rin ng anim na koponan ang naglaban sa ligang kinakitaan ng tig-dadalawang imports.

Masuwerte ang Petron dahil gumanda na ang laro ng kanilang top rookie pick na si Dindin Santiago bukod sa paghugot ng mahuhusay na imports sa katauhan ng spiker na si Alaina Bergsma at setter na si Erica Adachi.

Ang Generika na sinuportahan ang  manlalaro ng AirAsia na ang core players ay mula sa La Salle, ang siyang nakalaban ng Petron sa finals.

Ngunit hindi umubra ang karanasang taglay ng manlalaro ng Generika na pinalakas sa paghugot kina Natalia Kurobkova at Miyo Shinohara dahil yumuko sila sa 3-1 iskor.

Si Bergsma ang siyang lumabas bilang MVP at ang Petron na hawak ni coach George Pascua ang siyang kakatawan sa Pilipinas sa Asian Women’s Club Volleyball Championship sa Vietnam sa Setyembre.

“Wala pa kaming dalawang taon pero masasabi naming gumaganda ang mga laro sa PSL.

Sisikapin naming itaas pa ang level ng competition sa 2015 para mas ma­ging kapana-panabik ang matutunghayan na laro ng mga manonood,” wika ni Sports Core president Ramon “Tats” Suzara.

ALAINA BERGSMA

ALL FILIPINO CUP

ANG GENERIKA

ASIAN WOMEN

CAGAYAN VALLEY LADY RISING SUNS

FLYING SPIKERS

GENERIKA

PETRON

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with