^

PSN Palaro

Rondo, Nowitzki humataw sa Dallas

Pilipino Star Ngayon

DALLAS – Natututo nang maglaro si Rajon Rondo kasama ang kanyang mga bagong Dallas teammates, habang pinipilit naman makapuntos ni Dirk Nowitzki sa kabila ng pagkakaroon ng stomach ailment.

Kapwa sila umaasang ang lahat ng ito ay magi­ging komportable.

Umiskor si Rondo ng season-high 21 points sa kanyang ikaapat na laro para sa Mavericks at nagdagdag naman si Nowitzki ng 14 para sa kanilang 102-98 panalo laban sa Los Angeles Lakers.

Nagtala rin si Rondo, nagmula sa Boston Celtics, ng 8 rebounds at 7 assists para sa pang-limang sunod na panalo ng Dallas kontra sa Lakers sa regular season.

“We basically just have to communicate on the floor,” wika ni Rondo. “The game is still the same.”

Hindi na naman nakalaro si Kobe Bryant sa ikatlong sunod na pagkakataon sa panig ng Los Angeles para ipahinga ang kanyang sumasakit na katawan.

Maaari siyang magbalik sa laro sa kanilang home game laban sa Phoenix Suns.

Pinanood ni Bryant, ang NBA No. 3 career scorer mula sa Lakers’ bench ang paglampas ni Nowitzki kay Elvin Hayes sa eight place sa scoring list.

Isinalpak ng 36-anyos na si Nowitzki ang isang long jumper sa kanyang unang posesyon sa pagsi­simula ng third quarter para ungusan si Hayes  sa lista­han.

Angat ngayon si Nowitz­ki, ang highest-scoring fo­reigner sa league history sa kanyang 27, 322 points, ng 9 points kay Hayes.

Tumipa naman si Carlos Boozer ng 18 points para sa Lakers.

BOSTON CELTICS

CARLOS BOOZER

DIRK NOWITZKI

ELVIN HAYES

KOBE BRYANT

LOS ANGELES

LOS ANGELES LAKERS

NOWITZKI

PHOENIX SUNS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with