ABAP boxers posibleng masibak kung ‘di babalik sa Enero 5
MANILA, Philippines – Binigyan ang mga miyembro ng Philippine boxing team, kasama ang coaching staff, ng ilang linggong bakasyon para makasama ang kanilang mga pamilya.
Karamihan sa kanila ay umuwi ng probinsya habang ang ilan ay nanatili sa kanilang quarters sa Rizal Memorial Sports Complex at sa Teachers Camp sa Baguio City.
“It’s Christmas time. Let them have fun and enjoy,” sabi ni Ed Picson, executive director ng Amateur Boxing Alliances of the Philippines.
Ngunit sinabi ng ABAP official na habang nasa bakasyon ay dapat panatilihin ng mga boxers ang kanilang timbang.
Ang lahat ng miyembro ng koponan ay dapat magbalik sa training sa Jan. 5. Ang sinumang mabigong tumugon sa nasabing direktiba ng ABAP ay papatawan ng parusa.
“Depending on the circumstance, it could lead to ouster from the team,” sabi ni Picson.
“Regardless of who you are or your status in the team, you need to be back in training on the said date. It’s better if you report back a couple of days ahead,” dagdag pa nito.
Sa idinaos na Christmas party na pinamunuan nina ABAP president Ricky Vargas at secretary-general Patrick Gregorio, lahat ay pinaalalahanan sa patakaran ng ABAP.
“It applies to everyone, including myself,” ani Picson.
Sa panahon ng bakasyon ay mahirap tumanggi sa pagkain. “They were told they couldn’t go over their respective weights by three kilos. That’s the maximum because the heavier they get the more difficult it gets,” sabi ni Picson.
- Latest