^

PSN Palaro

Barriga, Suarez bigo sa unang qualifying para sa Rio Games

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Natalo sina Charly Sua­rez at Mark Anthony Barriga sa AIBA Pro Boxing (APB) Cycle 1 Matches para maunsiyami ang tangkang puwesto sa Rio de Janiero Olympics sa 2016.

Si Suarez ay natalo kay Beijing Olympian Hurshid Tojibaev sa lightweight na ginawa sa Daulet Sports Complex sa Astana, Kazakhstan.

Ibinigay ni Swedish judge Stefan Nordin ang 58-56 iskor pabor kay Sua­rez habang si Moldovan judge Ana­­toli Kaigorodov ay kumiling kay Tojibaev,  58-56.  Ang English judge na si Raymond Morley ay may 57-57 tabla.

Pero sa countback ay nanalo si Tojibaev para ma­ma­alam si Suarez.

Si Barriga na nakapag­laro sa London Olympics ay natalo kay Bin Lyu  ng China sa light flyweight division na ginawa sa Lingnan Pearl sa Foshan, China.

Dalawang hurado--sina Vuong Trong Njia ng Vietnam at Greek Evangelos Bougiukas ang nagbi­gay ng 59-55 at 58-56 iskor kay Lyu para maisantabi ang 58-56 panalo para kay  Barriga na ibinigay ng French judge na si Fathi Madfoua.

Ang APB ay isang qua­­lifying event para sa 2016 Olympics at aabante ang mangungunang boksi­ngero sa bawat dibisyon.

Bagamat wala na sina Suarez at Barriga, puwede pa silang makapasok sa 2016 Games gamit ang ibang qualifying tournament na itatakda ng AIBA.

ANG ENGLISH

BARRIGA

BEIJING OLYMPIAN HURSHID TOJIBAEV

BIN LYU

CHARLY SUA

DAULET SPORTS COMPLEX

FATHI MADFOUA

GREEK EVANGELOS BOUGIUKAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
9 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with