^

PSN Palaro

Baldwin binigyan ng 4-taon sa Gilas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Papangalanan na sa Lunes si American coach Tab Baldwin para maging head coach ng national men’s basketball team.

Sa ulat ng InterAksyon matapos makapanayam si SBP vice chairman Ricky Vargas, si Baldwin ang uupo kapalit ni Chot Reyes para pangasiwaan ang paghahanda ng national men’s team sa malalaking kompetisyon na sasalihan sa susunod na taon.

Nauna nang inilagay  ang  American coach bilang matunog sa puwesto dahil pasok siya sa criteria na inilagay para sa kukuning bagong mentor  na dapat ay kabisado ang international basketball bukod sa Gilas program at may panahon para sa koponan.

Apat na taon ang kon­trata ni Baldwin na bago ang posisyong  ito ay na­ging consultant ni Reyes sa Gilas sa huling dalawang taon.

Bagamat apat na taon ang kontrata, puwede itong palawigin kung pumasok ang Pambansang koponan sa World Cup.

Si Baldwin ay isang American-Australian basketball coach at siya ang nakaupo noong nakarating ang Tall Blacks team ng New Zealand sa semifinals ng 2002 World Championship. Kasalukuyang consultant ngayon si Baldwin ng Talk ‘N Text sa PBA.

Ang SEA Games sa Singapore sa Hunyo at ang FIBA Asia Men’s Cham­pionships na isa ring Rio de Janiero Olympic qualifying na gagawin sa China mula Setyembre 23 hanggang Oktubre 3 ang malalaking torneo na haharapin ng bubuuing Pambansang koponan. (AT)

ASIA MEN

BALDWIN

CHOT REYES

JANIERO OLYMPIC

N TEXT

NEW ZEALAND

PAMBANSANG

RICKY VARGAS

SI BALDWIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with