^

PSN Palaro

Letran inangkin ang ‘five-peat’ sa NCAA men’s lawn tennis

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dinaig ni Jeffrei Juma­wan si Elbert Bacong, 6-3, 6-1, para tulungan ang Letran na ungusan ang Perpetual Help, 2-1, at angkinin ang kanilang pang-limang sunod na seniors title sa 90th NCAA lawn tennis com­petition kahapon sa Ri­zal Tennis Center.

Ang panalo ni Juma­wan ang bumasag sa one-match deadlock matapos matalo si Valenzuela kay Ed Adrian Parangan, 0-6, 1-6, sa unang singles at manaig sina Bryan Saarenas at Adjuthor Moralde kina Chad Bautista at Renz Sevilla, 6-2, 6-2, sa doubles.

Kasalukuyan pang nila­labanan ng Muralla-based school ang San Sebastian habang sinusulat ito ngunit tiyak pa ring makukuha ang korona anuman ang ma­ging resulta nito.

Nauna nang dinomina ng Knights ang first round ma­tapos ipanalo ang pito sa kanilang walong laro.

Samantala, diniskaril naman ng San Beda ang ha­ngad ng Letran na ma­kuha ang kanilang ikala­wang sunod na juniors crown.

Ginitla ni Noel Damian si Jose Nicolas Cano, 6-3, 6-1, at binigo nina Andre Rodriguez at Edijardo Ba­gatoro si Marcus at Miguel del Rosario, 6-4, 6-2, para sikwatin ang titulo.

Ito ang pinagsamang ika-18 korona ni Jovy Ma­mawal sa seniors at juniors sa NCAA sapul nang tu­mayong coach ng San Be­da 33 taon na ang naka­karaan.

Sa iba pang seniors match, pinatumba ng San Beda ang San Sebastian, 2-1, mula sa mga panalo ni Vince Ramiscal laban kay Arjohn dela Cruz, 6-3, 6-4, at nina Andre Tuason at Whiamark Basanid kontra kina Arman Artuz at Ryan Labastida, 6-1, 7-5.

Ang panalo ng Stags ay mula kay Francis Para­ngan, tumalo kay Christian Alcantara, 6-2, 7-5.

ADJUTHOR MORALDE

ANDRE RODRIGUEZ

ANDRE TUASON

ARMAN ARTUZ

BRYAN SAARENAS

CHAD BAUTISTA

SAN BEDA

SAN SEBASTIAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with